Nagkaroon ng panimulang kasunduan ang Brooklyn Nets sa Boston Celtics upang makuha ang future Hall of Famers na sina Kevin Garnett at Paul Pierce matapos na pumayag si Garnett na bitawan ang no-trade clause sa kanyang kontrata, ito ay ayon sa ulat ng mga source mula sa liga sa Yahoo! Sports.
Pinili ni Garnett na i-waive ang kanyang no-trade clause matapos pumayag ang Nets na igarantiya ang $12-milyong nakatakda niyang tanggapin para sa 2014-15 season, ang ikatlong taon sa kanyang kontrata. Bago ang kasunduan, makukuha dapat ng Nets si Garnett sa halagang $6-milyon.
Nahimok din si Garnett na lumipat dahil pagkakataon ito upang makasama niya ang malapit na kaibigan na si Pierce sa Brooklyn para maglaro sa ilalim ng matagal na nakaribal na si Jason Kidd.
Hindi magagawang opisyal ng NBA ang trade hanggang Hulyo 10.
Ngunit magiging napakamahal ng trade para sa Nets: Sila ay mahaharap sa luxury-tax bill na $80-milyon. Ang kanilang payroll ay may halagang malapit sa $100-milyon.
Nakasentro ang deal sa pagpapadala kina Gerald Wallace, Kris Joseph, ang papatapos ng kontrata ni Kris Humphires at tatlong future first-round picks (2014, 2016, 2018) sa Celtics, ayon pa sa mga source ng Y! Sports. May karapatan din ang Celtics na mai-trade ang kanilang first-round picks sa Nets sa 2017 sakaling may mataas na pick ang Nets.
Makakasama rin nina Garnett at Pierce ang kakamping si Jason Terry sa package para sa Nets, sabi pa ng mga source. Ipapadala rin ng Nets si Reggie Evans sa isang sign-and-trade na kabilang si Keith Bogans. – Yahoo! Sports
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/garnett-pierce-lalaro-sa-nets/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment