Friday, June 28, 2013

Gawa 12:1­10 ● Slm 34 2 ● Tm 4:6­8, 17­18 ● Mt 16:13­19

Tinanong ni Jesus ang kanyang mga alagad: “Ano ang Anak ng Tao para sa mga tao? Sino ako para sa kanila?” Sumagot sila: “May nagsasabing si Juan Bautista ka; may iba pang nagsasabing si Elias ka o si Jeremias o isa sa Mga Propeta kaya.” Sinabi niya sa kanila: “Ngunit sino ako para sa inyo?” At sumagot si Simon Pedro: “Ikaw ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buháy.” Sumagot naman si Jesus: “Mapalad ka, Simon Bar­Yona, hindi nga laman at dugo ang nagbunyag nito sa iyo kundi ang aking Amang nasa Langit. At ngayon sinasabi ko sa iyo: Ikaw si Pedro (o Bato) at sa batong ito ko itatayo ang aking Iglesya; at hinding­hindi ito madadaig ng kapangyarihan ng kamatayan.”


PAGSASADIWA

Ngunit sino ako para sa inyo? – Sina San Pedro at San Pablo ay mga haligi ng Iglesya at mga dakilang huwaran ng ating buhay-pananampalataya. Si San Pedro ang kumakatawan sa tradisyon ng Iglesya. Sa ipinahayag niyang pananampalataya kay Jesus bilang “Mesiyas, ang Anak ng Diyos na Buháy”, ay nabibigkis ang lahat ng mga Kristiyano bilang isang sambayanan, anuman ang kulay at lahi, sa lahat ng panahon, at sa lahat ng lugar sa atin kay Jesus. Si San Pablo ay kinikilala naman bilang tagapaghatid ng Mabuting Balita, lalo na sa mga Hentil. Dahil sa kanya, ang Mabuting Balita ay narinig, naranasan, at naging mabisa hindi lamang sa mga Judio, kundi pati na rin sa iba’t ibang lahi sa lahat ng panig ng mundo.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/gawa-121%c2%ad10-%e2%97%8f-slm-34-2-%e2%97%8f-tm-46%c2%ad8-17%c2%ad18-%e2%97%8f-mt-1613%c2%ad19/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment