Saturday, June 15, 2013

MAPANGANIB NA KAAWAY

“It is the enemy whom we do not suspect who is the most dangerous.” – Fernando Rojas, Spanish author


Bakit “nanunuklaw” kapag nakatalikod ang isang tao? Iisa ang dahilan. Siya’y naiinggit. Magmasid tayo at makiramdam sa ating mga kasama. Makikilala natin agad ang mga inggitera sa galaw ng kanilang mga mata at sa himig ng kanyang pagsasalita. Siguro’y isang pangkat ng mga diyablo ang kanilang tagapayo.



Sa mga asal-ahas, narito ang babala ni Sir. Burton , isang English poet: “We should strive against it, for if indulged in, it will be to us a foretaste of hell here on earth.”


Upang mawala ang mga “tsutsu” sa paaralang nilipatan ng bagong prinsipal, nagpaliwanag ito sa unang pulong ng mga guro: “May itatatag akong Council of Elders na bubuuin ng mga kapita-pitagang guro sa inyong paaralan. Maaaring isulat o hayagang sabihin sa kanila ang ano mang puna, mungkahi o reklamo.


Ito’y makararating na sa akin upang aming pag-aralan.”


Sa isang iglap, parang natunaw ang mga taong nagbabalak magpalapad ng papel sa bagong prinsipal.


Isang pampalubag-loob ang nakasulat sa Biblia para sa mga biktima ng mga intriga: Higit na mapapalapad ang pinag-uusig dahil sa katuwiran sapagkat kanila ang kaharian ng langit. (Matthew 5:10)


Para naman sa mga nagkikimkim ng sama ng loob: Get rid of all bitterness, passion and anger. No more hateful feelings of any sort. Instead, be kind and tender-hearted to one another, as God has forgiven you through Christ. (Ephesians 4:31, 32)


May kasabihan sa Italyano: Kung may 50 kaibigan ka, kulang iyan. Kung may isa kang kaaway, labis-labis na iyan.


Ganito rin ang kasabihan sa Alemanya: Ang sandaang kaibigan ay kakaunti at ang isang kaaway ay napakarami.


Upang maiwasan ang pagkakaroon ng kaaway, narito ang payo ni Aleyn, isang English poet: “The noble way to destroy an enemy is not to kill him but with kindness you may change him that he shall cease to be so, then he’s slain.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/15/mapanganib-na-kaaway/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment