Saturday, June 15, 2013

P115M kabuhayan sa Gitnang Luzon

CABANATUAN CITY – Mas palalakasin pa ang produksyon ng mga pangunahing industriya sa Gitnang Luzon kasunod ng paglalaan ng 115 milyon ng Department of Trade and Industry (DTI).


Sinabi ni DTI Provincial Director Rhine Aldana na gagamitin ang nasabing pondo sa proyektong Shared-Service Facilities (SSF) na isang mekanismong nakapaloob sa Public-Private Partnership (PPP) ng administrasyong Aquino.



Sa ilalim nito, magbibigay ang DTI ng share capital sa mga tukoy na industriya para matulungan silang bumili ng mga makabagong kagamitan at makinarya na makakatulong ng malaki sa produksiyon.


Sa Bulacan, ilang SSF ang nakatakdang magbukas sa huling linggo ng Hunyo. Una na rito ang isang Dairy Processing ng Sta. Maria Dairy Farmers Multi-Purpose Cooperative sa bayan ng Sta. Maria at ang isang Milk Production line sa San Jose del Monte na pinapatakbo ng SJDM Savings and Credit Cooperative na kapwa magbubukas sa Hunyo 26. Bubuksan naman sa Hunyo 27 ang Kropeck Processing sa bayan ng Bulacan at ang Bangus Processing sa Hagonoy na may kabuuang 18 kasangkapan at sa Hunyo 28 naman papasinayaan ang makabagong paggawa ng mga produktong yari sa mga water lily sa Calumpit. – Light A. Nolasco




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/15/p115m-kabuhayan-sa-gitnang-luzon/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment