LONDON (AP)- Isa si Kimiko Date-Krumm sa mga manlalarong babae na patuloy na nakikipagsabayan sa tour kung saan ay naaalala pa ni Serena Williams ang panonood sa una habang siya’y lumalaki.
Araw ng Sabado, 17 taon na ang nakalipas matapos na si Date-Krumm ay tumuntong sa semifinals sa Wimbledon at 11 taon naman nang mapasakamay ni Williams ang pagwawagi sa kanyang maiden title doon, sa wakas ay magtatagpo na rin sila sa unang pagkakataon.
Ang 42-anyos na Japanese star ang naging pinakamatandang manlalaro na umentra sa ikatlong round sa All England Club simula pa sa Open era na nagsimula noong 1968 makaraang talunin si Alexandra Cadantu ng Romania, 6-4, 7-5. Ang kanyang reward, ang laban nito kay Williams, ang defending champion at five-time winner.
”I watched her play when I was super young, growing up,” saad ng 31-anyos na si Williams, ang veteran sa kanyang sariling karapatan na naglalaro ngayon na may rare matches.
Binigo ng American ang 19-anyos na si Caroline Garcia ng France, 6-3, 6-2, upang mapalawig ang kanyang winning streak sa 33 matches. Nagwagi sa ika-34 na sunod, inasahan na nito ang matinding paghahabol kontra sa kalaban na mahigit na doble ang kanyang agwat sa edad bago talunin.
”Doesn’t matter how hard you hit it, she sees the ball and gets it back,” paliwanag ni Williams. ”She has great hands, a wonderful great volley, comes to net a lot, which on grass can be tricky. And she plays really flat too, so the ball stays really low.”
Tinapyas ni Date-Krumm ang record na isinagawa ni Virginia Wade, umakyat sa third round noong 1985 sa edad na 39. Ayon sa WTA, siya ngayon ang second-oldest woman na nakapasok sa third round sa kahit anumang Grand Slam sa Open era, matapos si Renee Richards noong 1979 U.S. Open.
”I’m very happy to be in the third round, especially since I love Wimbledon and have many good memories here,” pagmamalaki ni Date-Krumm. ”I think it’s amazing. I cannot believe it. But this year I skipped a lot of the clay court season so I could focus on the grass. And luckily this year I didn’t play a seeded player in the first round because most of the time I did. It’s working. I’m very happy.”
Si Date-Krumm rin ang second-oldest player na napagwagian ang laro sa Wimbledon makaraan si Martina Navratilova, nasa edad 47 na ng pasukin ang second round noong 2004.
Nagpahinga muna ito sa loob ng 12-taon mula sa tennis bago nagbalik noong 2008. Ang huling pagkakataon na umabante siya sa third round sa Wimbledon ay noong 1996, kung saan ay natalo siya sa semifinals kay Steffi Graf.
Naaalala pa rin ni Date-Krumm ang nasabing match, nang mapasakamay nito ang pagwawagi sa second set bago naantala ang match sanhi ng pag-ulan.
”And then the next day when I’m on the court, Steffi came back to normal and then she was so strong I had no chance,” giit nito.
Kontra kay Williams, umaasa si Date-Krumm na ‘di mapipinsala ang kanyang hita.
”I need to try, just try my best,” saad nito. ”I hope I can stay more than one hour, one hour half. Try my best. She’s so strong. It’s very difficult to beat her”
Naisagawa ni Date-Krumm ang kanyang Wimbledon debut noong 1989, nang ang 59 sa 128 players sa main draw sa taon na ito ay ‘di pa ipinapanganak.
”I have so much respect for her,” ayon kay Williams, naging third-oldest woman naman sa Open era na nagtagumpay sa Grand Slam tournament matapos na kubrahin rin ang French Open sa taon na ito.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/serena-williams-vs-date-krumm-sa-ikatlong-round-ng-wimbledon/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment