Sunday, June 30, 2013

TS Gorio exits PAR weather conditions to improve in next 3 days

After dumping rain on Metro Manila and other parts of the country during the weekend, Tropical Storm Gorio (international name Rumbia) finally exited the Philippine area of responsibility early ...

View the original article: http://www.bignewsnetwork.com/index.php/sid/215539125/scat/0267775d6f1c3971

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

NBA free agency, kaabang-abang

Maaring umalis si Dwight Howard, habang inaasahan namang mananatili si Chris Paul, at marami pang mangyayari sa labas ng Los Angeles oras na magbukas ang free agency sa NBA.

Ang mga manlalarong sina Josh Smith, David West, Andrew Bynum at Al Jefferson ay maaari ring maging mga free agent pagsapit ng hatinggabi.

Nangunguna si Howard sa listahan matapos ang hindi naging magandang season sa Lakers. Nais ng koponan na siya’y manatili, at kayang higitan ang alok ng iba ng aabot sa $30-milyon, ayon sa pamantayan ng NBA, ngunit ang mga koponan tulad ng Houston, Dallas, at Atlanta ay maaaring sumubok na kumbinsihin siya na tumanggap ng mas mababang bayad.

Hindi siya akma sa sistema ni Mike D’ Antoni para sa opensa at may posibilidad na lumipat sa kanyang ikatlong tahanan sa loob lamang ng isang taon mula nang ma-trade mula Orlando para sa Los Angeles noong nakaarang Agosto.

Kasama sa nasabing deal si Bynum na napunta mula Lakers sa Philadelphia sa isang four-team trade. Hindi siya naglaro buong season dahil sa problema sa tuhod at maaaring lisanin ang koponan na hindi nakapaglaro kahit isang beses para sa 76ers.

Mas masaya naman ang Clippers kay Paul, at marami siyang dahilan upang manatili sa Los Angeles. Nakopo ng Clippers ang kanilang unang Pacific Division title nitong katatapos na season at ngayon ay may bagong coach kay Doc Rivers.

Maaaring makipagsundo ang mga player anumang oras matapos magbukas ang free agency ngunit hindi maaaring pumirma ng kontrata hanggang Hulyo 10 kung kailan may bagong sukatan para sa salary cap.

Dito magiging opisyal ang blockbuster trade na nagpadala kay Kevin Garnett mula Boston patungong Brooklyn.

Hinahabol ng mga koponan ang two-time champion na Miami Heat na susubukang maitali ang reserve na si Chris Andersen. Mabibiyak naman ang Big Three ng San Antonio Spurs sakaling hindi na muling pumirma sa kanila ng kontrata si Manu Ginobili. Ang starter na si Tiago Splitter ay isang restricted free agent at nangangahulugan ito na maaaring tapat ng Spurs ang anumang alok para sa kanya.

Ang iba pang kilalang pangalan sa free agency ay kinabibilangan ng Olympian na si Andre Iguodala ng Denver at Sixth Man of the Year na si J.R. Smith ng New York.

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/nba-free-agency-kaabang-abang/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Google, maglalabas ng game console

SAN FRANCISCO (DPA) – Nagdedevelop ang Google ng bagong video game console na pagaganahin ng Android operating system nito, na malaking hamon sa $25-bilion industry na hawak ng Sony, Microsoft at Nintendo, iniulat ng Wall Street Journal.

Ayon pa sa report, nagde-develop din ang web software giant ng Android wristwatch laban sa kaparehong device na inihahanda ng Apple, na nagpaplano ring maglabas ng game console

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/google-maglalabas-ng-game-console/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Hiring freeze

Mawawala sa bansa ang may P3.6 billion halaga ng remittance kung magpapatuloy ang “hiring freeze” ng Taiwan sa mga overseas Filipino worker (OFW) ngayong Hulyo, ayon sa recruitment industry.

Sa panayam nitong Sabado, sinabi ni Philippine Manpower Agencies Accredited to Taiwan (PILMAT) President Angelo Tong na katumbas ng nasabing halaga ang kabuuang remittance na ipapadala ng may 10,000 OFW na apektado ng hiring freeze ng Taiwan sa susunod na tatlong taon. – Samuel P. Medenilla

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/hiring-freeze/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Huey, Inglot, umusad sa Wimbledon

Binawian nina Fil-American Treat Huey at Dominic Inglot ng Great Britain ang karibal na sina Andre Begemann at Martin Emmrich ng Germany sa paghugot ng 6-3, 6-7 (2), 7-5, 7-6 (3) na panalo upang umusad sa ikatlong round ng Wimbledon doubles noong Sabado.

Sina Huey at Inglot, seeded 16th sa torneo, ay umasa sa kanilang power serve upang biguin ang pares ng mga Aleman na tumalo dito ng dalawang beses sa nakaraang laban sa ATP Tour.

Hindi napigilan ang pareha sa service area sa pagtatala ng nakakarinding 16 aces kontra sa apat na

double faults sa inabot ng tatlong oras na laban. Mayroon din itong naipanalo na 79 mula sa 100 first serve points at 32 winners kontra sa 14 ng Aleman.

Itinulak din ng power duo na magkamali sina Begemann at Emmrich sa pitong double faults kontra sa apat lamang na aces at siyam na unforced errors.

Dahil sa panalo ay natapatan nina Huey at Inglot ang kanilang pinakamagandang pagtatapos sa Grand Slam matapos na tumapos sa third round ng French Open (2012, 2013) at sa US Open (2011).

Sunod na makakasagupa ng pareha sa quarterfinals ang world No. 1 na sina Bob at Mike Bryan ng Estados Unidos, na itinakas ang 6-3, 7-5, 6-4 panalo kontra sa Spaniard na sina David Marrero at Andreas Seppi ng Italy.

Ito ang unang pagkakataon na ang pares nina Huey at Inglot ay makakaharap ang Bryan brothers, bagaman si Huey ay matagal nang nakalaro ang naging 14-time Grand Slam champion na may ibang kapareha.

Huli dito ang pares ni Huey at Jerzy Janowicz ng Poland na natalo sa straight sets kontra kina Bryans sa finals ng ATP World Tour Masters noong nakaraang Marso. – Angie Oredo

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/huey-inglot-umusad-sa-wimbledon/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

World Youth Day

Mismong si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President, Cebu Archbishop Jose Palma, ay dadalo sa World Youth Day sa Brazil sa Hulyo 23-28, 2013.

Ayon sa CBCPEpiscopal Commission on Youth (ECY), pangungunahan ni Palma ang may 38 kabataan mula sa Archdiocese of Cebu, sa pagdalo sa okasyon, bukod pa kina Legaspi Bishop Joel Baylon at Kabankalan Bishop Patricio Buzon, kasama ang 182 pilgrims. – Mary Ann Santiago

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/world-youth-day/

Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

Ely Buendia, iinterbyuhin ni Arnold Clavio

TIYAK na matutuwa ang mga tagahanga ng Eraserheads sa rare chance na mapanood sa telebisyon ang main man ng banda na labis nilang hinahangaan.

Ely Buendia Makakapanayam kasi ni Arnold Clavio si Ely Buendia ang reclusive rocker na isa na sa mga icon ng Philippine music industry si Ely Buendia, sa Tonight With Arnold Clavio bukas, 10:30 PM, sa GMA News TV.

Kasama ang The Oktaves, ang kanyang banda ngayon, tutugtugin ni Ely sa show ang ilan sa kanyang mga pinakabagong kanta.

Magkukuwento rin si Ely kung ano ang naging inspirasyon niya sa bagong tunog ng kanyang mga awitin ngayon, pati na kung paano nabuo ang The Oktaves na kinabibilangan nina Nitoy Adriano (dating gitarista ng The Jerks), Ivan Garcia, Bobby Padilla, Chris Padilla na mula naman lahat sa bandang Hilera.

Itatanong din sa kanila ni Arnold ang kalagayan ngayon ng OPM, isyu ng piracy, at ang nagsusulputang YouTube sensations.

Pero bago si Ely Buendia bukas, panoorin muna ngayong gabi ang madamdaming dokumentaryong “Sayaw sa Alon“ ni Howie Severino sa I-Witness at kilalanin ang isa sa mga pinakakilalang surfer sa La Union.

Namumukod-tangi sa bayan ng San Juan, La Union si Ronie “Poks“ Esquivel na ipinanganak na putol ang isang binti pero hindi niya inaalintana dahil nakisakay pa siya sa naglalakihang mga alon tulad ng ibang surfer na kumpleto ang katawan.

Mula La Union, nasakyan na ni Poks ang mga alon sa international surfing competitions sa Australia at iba pang mga bansa sa Southeast Asia. Pero biglang naudlot ang makinang niyang career sa surfing nang bigla siyang mamaalam sa edad na beinte siyete.

View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/07/01/ely-buendia-iinterbyuhin-ni-arnold-clavio/