Saturday, March 30, 2013

3-on-3 sa Lunes

Ang karapatang maging kinatawan ng bansa sa darating na Fiba-Asia event ang isa sa mga insentibong posibleng ipagkaloob sa diaraos na 3-on-3 tournament sa gaganaping PBA D-League sa Lunes (Abril 1) sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City.


Lahat ng labindalawang koponang kalahok sa liga ay magbubuo ng kanilang 3-on-3 team para sa kompetisyon na gaganapin tuwing bago mag-umpisa ang isang regular game.



Magtatapat sa unang laro na sisimulan sa ala-1:00 ng hapon ang 3on-3 teams ng Hogs Breathe Café at Informatics Icons na susundan naman ng laban ng Cebuana Lhullier Gems at NLEX sa ika-3:30 ng hapon.


Pinang-aaralan din ng liga ang posibilidad na magkaroon ng mga miyembro ng national team na makalahok sa naturang torneo para sa nalalapit na unang Fiba-Asia 3-on-3 championship na gaganapin sa Qatar sa Hunyo.


“Baka mapadala natin sa Qatar ‘yung mananalo diyan,” pahayag ni PBA Media Bureau Chief Willy Marcial.

“Kung hindi agad matatapos, puwede tayong kumuha ng selection that will represent the Philippines.“


Dagag din umano itong atraksiyon para sa nagaganap na developmental league ng PBA ayon pa kay Marcial.


“Matagal ng plano ni Commissioner `yan para may iba namang makita ang fans natin at makita `yung kagalingan ng mga player sa D-League.“ - Marivic Awitan





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/3-on-3-sa-lunes/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment