Friday, March 29, 2013

Election sa PNSA, muling iniliban

Nanatiling walang lehitimong opisyales ang Philippine National Shooting Association (PNSA) matapos na hindi maghalal ang mga bagong itinalagang board members sa bumubuong limang grupo ng organisasyon sa naganap na pagpupulong sa Philippine Marine Range sa Fort Bonifacio sa Taguig City.



Isiniwalat ng isang mapagkakatiwalaang source na hindi nagkasundo ang mga bagong upong board member at mga miyembro ng asosasyon na patuloy na kinukuwestiyon ang voting list na siyang naging dahilan sa dalawang beses na pagkakaantala ng eleksiyon.


Naghalal ng kanilang magiging representante ang grupo sa rifle, shotgun, pistol, practical shooting at non-ISSF, subalit pansamantalang ipinagpaliban ang botohan para sa uupong presidente, bise-presidente sa external at internal affairs, treasurer at auditor. Ang secretary general ay itinatalaga naman ng presidente.


Iniulat ni Amateur Swimming Association of the Philippines president Mark Joseph, siyang nagsilbing POC-observer sa aktibidad„ na nagdesisyon ang mga napiling representante na muling magpupulong pagkatapos ng Mahal na Araw o sa unang linggo ng Abril upang ituloy ang nabinbin na eleksiyon sa aosasyon.


Hindi na naman sumali sa eleksiyon ang nagbitiw na sa pagkapangulo ng asosasyon na si Mikee Romero.


Kabuuang 15 katao, na mula sa kada tatlong inihalal ng limang grupo, ang bumubuo sa PNSA Board of Directors.


Inihayag naman sa Balita na bunga ng pagbibitiw ni Romero ay napipisil umanong maupo bilang presidente ang dating consultant sa Philippine Sports Commission na si Alfonso Tronqued na miyembro ng shotgun. Ang isa pang kandidato ay ang miyembro ng pistol na si Nathaniel “Tac” Padilla.


Isa pang matinding problemang kinakaharap ng PNSA, maliban sa liderato nito, ay ang paghohost ng bansa sa Southeast Asian Shooting Association Championships na gaganapin sa Oktubre kung saan nangangailangan ng P30-milyon upang maisaayos ang gagamiting shooting range sa torneo. - Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/election-sa-pnsa-muling-iniliban/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment