Binalaan ng Quezon City Health Department (QCHD) ang mga residente ng lungsod na mag-ingat sa alta-presyon dahil posibleng dumami ang kaso nito ngayong tag-init.
Ayon kay QCHD head Dr. Antonieta Inumerable, posibleng dodoble pa ang kaso ng altapresyon ngayong summer dahil sa nararanasang matinding init ng panahon sa bansa.
Paliwanag ni Inumerable, noong 2012 ay aabot sa 51 na kaso ng pagkamatay ang naitala ng kanilang tanggapan batay na rin sa ulat sa kanila ng mga pampubliko at pribadong ospital sa lungsod.
Madalas aniyang tinatamaan nito ang mga nakatira sa depressed areas, na karamihan sa residente ay hindi kayang magpagamot.
Sinabi pa ni Inumerable na sinimulan na nila ang pagpapakalat ng impormasyon sa mga barangay upang malaman ng publiko kung paano maiiwasan ang hypertension, lalo na kapag tag-init.
Bukod dito, dapat ding asahan ng publiko ang mga sakit na heat stroke, gastroenteritis, dehydration, sakit sa balat at respiratory tract infection. - Rommel P. Tabbad
Related Posts:
- Dengues cases sa QC, tumataas
- Sakit sa tag-araw, iwasan
- Mag-ingat sa summer diseases
- Mag-ingat sa heat stroke
- Summer pumasok na sa bansa
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/taga-qc-binalaan-sa-hypertension/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment