Saturday, March 30, 2013

KAPAKUMBABAAN

Hindi magiging ganap ang paggunita sa Semana Santa kung hindi natin isasaisip at isasapuso ang banal na katangian ng ating Panginoon ­ kapakumbabaan o humility. Ito ay isang katangian na ang kahulugan ay hindi pa lubos na nauunawaan ng Sangkatauhan.



Hindi natin aagawan ng papel ang mga tagapagpaliwanag ng mga aral ng Diyos, kabilang na ang mga mangangaral ng iba't ibang relihiyon. Manapa, nais lamang nating ibahagi ang ating pananaw tungkol sa tunay na kahulugan ng kapakumbabaan.


Ang kababaang-loob ay hindi miminsang ipinamalas ng Dakilang Manlilikha. Isinasaad sa Bibliya na ang Kanyang pagdurusa sa kamay ng mga tampalasan ay patunay ng Kanyang kababaang-loob. Kabilang na ang Kanyang pagpapapako sa krus upang tubusin ang kasalanan ng sanlibutan. Ang katangiang ito, kung sabagay, ay tinularan naman ng kanyang mga disipulo, sampu ng karamihan sa Kanyang mga kinapal.


Gayunman, gumitaw pa rin ang magkakasalungat na pananaw sa pagpapakumbabang ipinamalas ng Diyos. Hindi ba marami sa Kanyang mga nilikha ang nangangalandakan na sila ang pinakamayaman, pinakamakapangyarihan, pinakamarunong, pinakatanyag at pinakadakila. Narating nila ang rurok ng tagumpay nang tila hindi pinahalagahan ang tunay na kahulugan ng humility. Sapat nang madama nila na sila ay idinuduyan ng katanyagan, ng taginting ng salapi, ng karunungan at nang kamandag ng kapangyarihan.


Naalala ko sa bahaging ito ang madamdaming pangaral ng isang guro ­ Huwag ninyong kalimutan ang mga taong nasalubong ninyo sa pag-akyat, sapagkat sila rin ang inyong masasalubong sa pagbaba. Ibig sabihin, dapat na tayong bumaba kapag narating natin ang tugatog ng tagumpay. Ang nagpapakababa ay itinataas!


Hindi tayo dapat maging sakim, mapagsamantala, mayabang at mistulang nakalilimot sa pagpapasakit ng Diyos.

Kabaligtaran ito sa binigyang-diin ng halos lahat ng Cardinal, at ng iba pang alagad ng Simbahan, na nagluklok kay Pope Francis ­ kapakumbabaan o humility.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/kapakumbabaan-2/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment