May 50 karagdagang pulis ang ipinakalat sa Boracay Island sa Malay, Aklan upang makasapat ang magkakaloob ng seguridad sa patuloy na pagdagsa ng libu-libo sa kilala sa buong mundo na white sand beach resort ngayong Semana Santa.
Ayon kay Aklan Police Provincial Office acting director Senior Supt. Pedrito Escarilla, sa pamamagitan ng karagdagang pulis ay mapaiigting ang police visibility sa isla, at matitiyak din nito ang kaligtasan ng libu-libong turista na taun-taong dumadagsa sa isla tuwing Semana Santa.
“We will tighten the security in Boracay since we anticipate that resort owners and even local government have lined up weeklong activities to entertain the visitors,” sabi ni Escarilla.
“We will intensify the conduct of security patrols in airports, seaport, transport terminals, churches, and other places where large gatherings of people are expected and random mobile checkpoints,” dagdag ni Escarilla.
Bilang bahagi ng security measures, nagbukas ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ng mga Police Assistance Hub, Motorists/Passenger Assistance Hub at Tourist Assistance Desk sa lahat ng mahahalagang lugar sa isla.
Paborito ng mga turista at bakasyunista, lokal man o dayuhan, sa nakalipas na mga buwan ay sunud-sunod ang natatanggap na pandaigdigang pagkilala ng Boracay bilang isa sa pinakamagagandang isla sa mundo. - Aaron B. Recuenco
Related Posts:
- Seguridad sa Boracay, pinaigting pa
- DoT officers, iistasyon sa Boracay
- Oil level sa Boracay, tumaas
- Bote, ipagbabawal na sa Bora
- Tourist chief ng Boracay, sinibak
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/pulis-sa-boracay-dinagdagan-pa/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment