Sunday, March 31, 2013

Speedboat ni Aga Muhlach, sumabog


ni Dindo M. Balares


GINULAT kami ng post na ito sa Facebook account ni Aga Muhlach bandang alas-onse ng umaga kahapon:


“ADVISORY -An explosion occurred on Aga’s speedboat this morning while in Caramoan. Aga and his family are ok they were not on the boat at the time of the explosion. Pilot sustained injuries. Investigation into the cause of the explosion is ongoing.“



Agad naming tinawagan si Manay Ethel Ramos, ang manager ni Aga na inakala naming kasamang nagbabakasyon ng pamilya sa Caramoan, at tinanong tungkol sa insidente.


Pero wala pa rin siyang detalye tungkol sa nangyari dahil nasa Manila siya.


Ibinigay sa amin ni Manay Ethel ang contact number ni Atty. Michelle Juan, ang chief of staff ni Aga. Pero out of coverage area si Atty. Michelle. Bagamat ayon kay Manay Ethel ay kinumpirma nito sa kanya na sumabog nga ang speedboat ni Aga.


Sinikap din naming makunan ng pahayag si Aga pero hindi namin siya nakontak.


Last Wednesday, nang huli kaming sumilip sa Facebook account ni Aga -Aga Muhlach sa CamSur -ay nakita pa namin ang post na nakasakay sa naturang speedboad ang kambal nina Aga at Charlene Muhlach na sina Andres at Atasha (inilabas namin dito ang naturang retrato). Batay sa photo, naroroon na sila sa Caramoan noong Miyerkules.


Sana ay mechanical glitch lang at walang kinalaman ang explosion sa pulitika o sa pagtakbo ni Aga para congressman sa 4th District ng Camarines Sur, pero ito na kaagad ang suspetsa ng followers ni Aga na nagkomento sa naturang post.


Sa huling data ng survey na nakuha namin ay nananatiling napakalaki ng lamang ni Aga (65/30/5; Aga/opponent/undecided).


Kadalasan ay walang bodyguard sa paglilibot sa Partido Area si Aga, na pinuna namin nang ikuwento niya.


“Wala naman akong atraso kahit kanino,” sabi niya, “at sa dami ng mga taong laging nakapaligid sa akin, sino ba naman ang magtatangkang saktan ako?”


Kailangan nang magkaroon ng security group si Aga. Hindi na maganda ang nangyayari.


–ooOoo-


“Kaya lang wala na si FPJ,” sabi sa amin ng driver ng FX na nasakyan namin nitong nakaraang Huwebes habang pababa sa Ortigas Extension galing Antipolo nang pansinin ko ang hilera ng maliliit na mesang inihahanda ng vendors sa gilid ng palusong na kalsada.


Tinutukoy ng driver ang taun taong paglalakad ni Fernando Poe, Jr. noong nabubuhay pa ito papuntang Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage kasabay ng daan-daang libong pilgrims na naglalakad galing ng iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at Rizal bilang panata sa Mahal na Birheng Maria.


“Wala nang artistang pumalit kay FPJ, ano?” sabi naman ng parehong katabi ng driver.


Na, ang ibig sabihin naman ay wala nang artistang namamanata sa Our Lady of Antipolo taun-taon simula nang pumanaw si FPJ.


Nagtungo kaming magpapamilya sa Antipolo Cathedral nang gabing iyon, at manghang-mangha ang aking magiina sa walang tigil na pagdagsa ng napakaraming tao.


Simula pagdilim pa lamang hanggang madaling araw ay walang patid ang pagdagsa ng pilgrims.


Ito ang ating mga ordinaryong kababayan. Naglalakad silang magkakasama, magbabarkada, buong pamilya -pati maliliit na bata, magkasintahan, mag-asawa, mag-isa.


Ang iba sa kanila ay naglalatag ng banig at ng mga inilalakong lumang diyaryo, para mahigaan sa magdamagang vigil. (Pagsikat ng araw, saka lamang sila umuuwi.) Pero ang karamihan ay nagkakasya na lamang sa mga bangketa at saan mang maaaring puwestuhan na hindi makakasagabal sa nilalakaran ng pilgrims na isa-isang umaakyat sa likod ng altar ng katedral.


Buhay na buhay ang pananampalataya ng ating mga kababayan.


–ooOoo

Ang malaking tanong ay kung bakit hindi naikokober ng TV networks ang awe-inspiring na pagpapakita ito ng faith ng ating mga kababayan?


–ooOoo

Tayming na isasalang na lang namin ang column na ito nang matanggap namin ang mensahe ni Atty. Michelle Juan:


“Hi Dindo! It’s Michelle. It happened around 6:00 AM this morning. Nasa province sina Aga, but they’ve been moved to an undisclosed location for safety. No update yet re findings ng PNP…

Thanks!“


Ingat, Aga. Laging mag-ingat!





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/31/speedboat-ni-aga-muhlach-sumabog/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment