Ni Jonas Reyes
OLONGAPO CITY, Philippines - Nasa high alert status ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) kasunod ng pagdeklara nitong Martes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang opisyal na pagpasok sa bansa ng tag-init.
Mahigit 2,000 forest at fire protection officer ng DENR at mga magsasaka na aktibong miyembro ng mga people’s organization sa Central Luzon ang naghahanda laban sa banta ng wildfire sa mga tuyong kagubatan sa Zambales, Tarlac, Bulacan at Nueva Ecija, ayon kay Maximo Dichoso, executive director ng
DENR-Region 3.
“Forest fire incidents peak in summer, usually from February to May, when arid conditions become more pronounced,” paliwanag ni Dichoso, idinagdag na ang pag-ulan sa mga buwang nabanggit at wala pang 200 mm, malaking baba sa national average na mahigit 2,300 mm.
Umaabot sa halos 200 ektarya ng mga forest plantation at reforestation project ang natupok ng wildfire noong nakaraang taon, makaraang kumalat mula sa magkakadikit na kakahuyan, ayon kay Dichoso, idinagdaga na nagbabala na ang PAGASA na patuloy na iiral ang El Niño ngayong taon.
Sa kabila ng banta ng El Niño, 120 people’s organization na may community-based forest management project sa DENR ang magpapatupad ng fire at green break sa may 21,000 ektarya ng kagubatan na kanilang pinangangasiwaan.
Regular na nagkakaloob ang DENR ng science-based fire management training sa mga people’s organization upang magkaroon ang mga ito ng kakayahang agad na rumesponde sa mga wildfire.
Kapag nasusunog ang kagubatan, naglalabad ng carbon dioxide at sulfur sa himpapawid at pinalulubha nito ang global warming at climate change.
Related Posts:
- 44,000 ektarya, sasailalim sa reforestation
- P357-M para sa reforestation
- P5M bamboo project sa magsasaka
- 10,487 titulo, iginawad ng DENR
- Maramihang binhi sa reforestation, posible
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/denr-nakaalerto-sa-forest-fires/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment