Sunday, March 31, 2013

Angel, Bea, Toni, Shaina, Enchong gagawa ng Mother’s Day movie

Ni Reggee Bonoan


PALAISIPAN sa amin kung sino ang mauuna sa billing sa pelikulang ididirehe ni Cathy Garcia-Molina for Star Cinema na pagsasamahan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Angel Locsin na pawang malalaking artista.


Nakatsikahan namin si Angel bago magbakasyon at inamin niyang hindi siya conscious sa billing, bahala na raw ang manager niyang si Manay Ethel Ramos.



Pabirong tanong namin kay Angel, hindi ba dadaanin sa bilang ng natanggap na awards ang billing?


“Ay, hindi, `Te Reggs, kasi kung awards ang pag-uusapan, mas hamak na mas maraming awards si Toni, lalo na sa box-offi ce, si Bea rin, kaya hindi ko rin alam kung paano,” sagot ng aktres.


Sumingit sa usapan namin si Direk Malu Sevilla.


“Ang mga manager ang may problema d’yan,” seryosong sabi ni Direk Malu. kasi si Angel kay Manay Ethel, siyempre hindi papayag na madehado. Si Toni, nandiyan si Mommy Pinty, alam mo na, eh, sina Bea, Enchong at Shaina, nandiyan sina Mr. M (Johnny Manahan) at Ms Mariole (Alberto), hindi rin sila papayag siyempre, di ba?


“Para sa akin lang, since kay Enchong iikot ang istorya, siguro si Enchong ang may ‘with’ since nagiisang lalaki or puwedeng nasa ibaba siya ‘tapos ‘yung apat na girls sa taas, sino ang mauuna?” seryosong sabi ni direk Malu.


Itinanong namin sa executive ng Star Cinema na si Mico del Rosario kung paano ang billing ng limang artista.


“Actually, Reggs, hindi muna namin iniisip kasi hindi pa kami nagmi-meeting, pero kung bothered ka, siguro gagawin nating paikot na lang, so walang nauuna o nahuhuli kasi umiikot, di ba?” natatawang sagot ni Mico.


“Siguro maglalagay na lang kami ng malalaking poster, solo-solo nilang lima,“dagdag niya.


Intended na ipalabas ang pelikula nina Bea, Shaina, Enchong, Toni at Angel para sa Mother’s Day sa May. Magkakapatid ang role nilang lima.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/31/angel-bea-toni-shaina-enchong-gagawa-ng-mothers-day-movie/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment