Saturday, March 30, 2013

Butuan City: Pamamaril sa Station of the Cross, 2 nasawi

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-44 na anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP), pinaniniwalaang naghasik ng gulo ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa kalagitnaan ng Station of the Cross ng libu-libong deboto sa kabundukan ng Purok 4, Sitio Iyao, Barangay Anticala, Butuan City kahapon ng umaga.



Dalawang miyembro ng Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) ang nasawi at maraming iba pa ang nagtamo ng mga galos at sugat makaraang magkagulo at magtakbuhan ang mahigit 3,000 deboto na nakiisa

sa “Panaad 2013” para sa Station of the Cross bandang 5:00 ng umaga kahapon.


Napatay sina Ariel Andohoyan at Ernie Darafi l, kapwa miyembro ng SCAA at residente ng Bgy. Anticala.


Patungo na sa Station 2 ang mga deboto nang magsimulang mamaril ang sinasabing rebeldeng sniper.


Ang 3rd Special Forces Battallion (3rd SFB) ng SCAA ang tumitiyak sa seguridad ng mga debotong dadagsa para sa “Panaad 2013”, na matapos mabaril sina Andohoyan at Darafi l ay ilang beses pang nagpaputok ng baril ang mga rebelde mula sa kabundukan kaya nag-panic ang mga deboto.


Ayon sa command center at tactical force ng 402nd Infantry (Stingers) Brigade ng Philippine Army, ang mga suspek ay kasapi ng guerilla-Front Committee 21C ng CPP-NPA North Eastern Mindanao Committee (NEMRC). Ngunit nilinaw ni George Madlos, alyas Ka Oris, tagapagsalita ng NEMRC, na hindi sila nanggulo sa halip ay sinabing “friendly crossfire” ang nangyari sa kanila ng mga tauhan ng Army at Special Action Force (SAF). - Fer Taboy, Mike Crismundo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/30/butuan-city-pamamaril-sa-station-of-the-cross-2-nasawi/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment