Sunday, March 31, 2013

MULING PAGKABUHAY

Bumisita ako sa isang pampublikong aklatan ng Lungsod ng Maynila upang busugin lamang ang aking kuryosidad. Müàalas ko itong nakikita kapag nagpupunta ako sa Manila Bulletin na aking pinaglilingkuran. Malinis, maaayos at tahimik ang aklatan na pinanatiling ganoon ng magigiting at magalang na mga kawani. Sa aking pagbabasa ng kung anuano lang, napukaw ang buo kong atensiyon sa isang larawan sa isang aklat tungkol sa Russia . Sa lalawigan ng Katyn, isang rebulto ng lalaki na may apat na palapag ang taas na may hawag na sunog na bangkay ng kanyang paslit na anak. At dahil likas akong tsismosa, nagbasa ako ng mga bagay-bagay tungkol doon.


Noong 1940, tinipon ng mga miyembro ng Soviet secret police ang 149 mamamayan ng Katryn, kabilang ang bata at matanda, sa isang kamalig at doon isinagawa ang isang mass execution. Sinunog silang sabay-sabay sa hinalang mga intelligence agent ang mga ito. Pagkatapos ng digmaan, ang Katyn ay napiling maging memorial site para sa 600 na komunidad sa Belarus na dumanas ng parehong kamatayan. Mahigit 22,000 ang naging biktima at 8,000 sa mga iyon ang mga opisyal ng Poland .


Kalungkutan marahil ang mararamdaman mo kung bibisitahin mo ang Katyn ngayon. Sa rebulto ng namimighating ama na karga ang nasunog na anak iyong makikita, sasapit sa iyong damdamin ang matinding pagkalumo at awa. May mga larawan pa ng mga bahay kung saan sa mga pundasyon nito ay nakasulat ang mga pangalan ng kanilang mga mahal sa buhay na namatay.


May isa pang larawan akong nakita sa aklat: May isang puno na gawa sa bakal sa dulong bahagi ng Katyn. Ang “puno“ na ito ay may 400 “dahon“; at sa bawat isa niyon ay nakasulat ang pangalan ng lugar na nakabangon pagkatapos ng digmaan. Ito ang kumakatawan sa tibay ng loob at pananampalataya ng mga mamamayan ng Belarus .


Maihahalintulad din ito sa ating pananampalataya na “namatay“ dahil sa pagkakasala. Sa pagkabuhay ni Jesus, nagkaroon tayo ng pag-asa na “muling bumangon“ sa espiritu at magtagumpay sa tawag ng pagkakasala.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/31/muling-pagkabuhay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment