Sunday, March 31, 2013

NPA, kumikita sa campaign fee

Ni Fer Taboy


Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na may mga lokal na kandidato na nagbayad ng permit to campaign (PTC) sa New People’s Army (NPA) kaugnay ng simula kahapon ng pangangampanya para sa eleksiyon sa Mayo 13, 2013.



Dahil dito, naniniwala ang pulisya at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na kumita ng milyun-milyong piso mula sa mga local candidate ang NPA, na nanghihingi ng pera para payapang makapangampanya ang mga kandidato sa mga pinamumugaran ng mga rebelde.


Hindi umano masisisi ng PNP ang ilang kandidato na nagbayad ng campaign fee sa NPA dahil sa takot ng mga ito at sa kagustuhang ligtas na makapangangampanya, upang huwag matulad sa sinapit ni ng senatorial candidate na si Cagayan Rep. Jack Enrile na pinaputukan ng mga hinihinalang rebelde nang mangampanya sa Mindanao.


Kaugnay nito, iniimbestigahan na ng Western Visayas Regional Police Office (Region 6) ang isang alkalde ng Iloilo sa umano’y pagbabayad ng PTC sa NPA.


Nasa balag na alanganin ngayon si Bingawan Mayor Matt Palabrica na inakusahang nagbayad ng permit to campaign fee sa mga rebelde.


Nagsisiyasat ang tanggapan ni Police Regional Office 6 director Chief Supt. Agrimero Cruz Jr. para sa posibilidad na masampahan si Palabrica ng mga kasong kriminal at administratibo.


Naniniwala naman ang PNP na hindi lang si Palabrica ang kandidato nakatanggap ng PTC demand letter mula sa NPA, at pinaniniwalaan din na may mga lokal na kandidato na hindi agad na nabigyan ng police security escort ang nagbayad ng PTC sa mga rebelde.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/31/npa-kumikita-sa-campaign-fee/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment