Sunday, March 31, 2013

Gun ban violators, mahigit 2,000

Lumampas na sa 2,000 ang mga naaresto sa paglabag sa gun ban ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sinabi ni Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng PNP, na mahigpit pa ring ipinatutupad ng pulisya ang security measure dahil sa inaasahang pagbalik sa Metro Manila ng milyun-milyong bakasyunista mula sa iba’t ibang lalawigan.



“So far, the traditional celebration of the Holy Week was generally peaceful,” sabi ni Cerbo.


Inatasan ni PNP chief Director General Alan Purisima ang mga PNP-Public Assistance Center sa mga paliparan, daungan ng barko at terminal ng public utility vehicles na manatili sa kanilang puwesto hanggang sa matapos ang pagdagsa ng mga biyahero.


Ipinag-utos din ni Purisima ang pinaigting na pagpapatupad ng police visibility sa mga tourist destination at maging sa mga residential area.


Una rito, itinaas ng liderato ng PNP ang alert level sa Luzon at Visayas regions habang nananatili sa highest alert status ang puwersa ng pulisya sa Mindanao, kaugnay ng anibersaryo ng New People’s Army ngayong Marso 31.


Hanggang Sabado de Gloria, umabot sa 2,032 katao ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa Comelec gun ban. Nasa 1,982 naman ang mga armas na nakumpiska. – Aaron Recuenco


Incoming search terms:






View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/31/gun-ban-violators-mahigit-2000/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment