Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging seryoso sa pagpapatupad ng 4 o’clock habit program upang makaiwas sa posibilidad na magkaroon ng dengue storm sa bansa.
Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), mabisang paraan ang 4 o’clock habit para labanan ang dengue.
“We really have to be serious in our 4 o’clock habit,” ani Tayag.
Sa ilalim ng naturang programa, hinihikayat ang publiko at mga lider ng lokal na pamahalaan na tulung-tulong na magsagawa ng malawakang paglilinis sa kapaligiran at mga tahanan upang mapuksa ang mga posibleng breeding site ng mga lamok.
Sa dengue storm, mas maraming tao aniya ang nanganganib na magka-dengue virus kung kakalat ang Type 2 o Type 4 strains.
Noong nakaraang taon, aniya, ang predominant strains ay ang Type 1 at Type 3, kaya’t kung magiging predominant ang Type 2 strain ngayong taon ay maaaring magkaroon ng mas malalalang kaso ng dengue.
Ayon kay Tayag, ang Type 2 strain ang pinakamabagsik na strain ng dengue habang ang Types 1 at 3 ang pinakakaraniwang dengue strain sa nakalipas na tatlong taon.
Paliwanag niya, ang cycle ng dengue strain ay kadalasang nagtatagal ng tatlong taon at ang mga taong nagkaroon ng partikular na dengue strain ay nagde-develop ng life-long immunity mula sa kaparehong strain. – Mary Ann Santiago
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/4-o%e2%80%99clock-habit-dapat-seryosohin/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment