Friday, June 28, 2013

UN nagbabala vs designer drugs

VIENNA (AP) – Nagbabala ang U.N. drug control agency noong Miyerkules sa paglaganap ng mga designer drug, na lantarang ibinibenta, legal at minsan ay nagreresulta sa nakamamatay na pagkalango.


Ang mga substance na ito “can be far more dangerous than traditional drugs,” sinabi ng agency sa isang pahayag na kasabay ng kanyang annual report. “Street names, such as ‘spice,’ ‘meow-meow’ and ‘bath salts’ mislead young people into believing that they are indulging in low-risk fun.”



Nagbabala ang anim na pahinang summary ng ulat ng U.N. Office on Drugs and Crime na “the international drug control system is foundering, for the first time, under the speed and creativity” ng kanilang paglaganap.


Nakasaad dito na ang mga bansa sa buong mundo ay nag-ulat ng 251 sa mga substance na ito noong kalagitnaan ng 2012, kumpara sa 166 sa pagtatapos ng 2009. Ang problema, ayon sa ulat, ito ay “hydra-headed” na kasing bilis ng pagpababawal ng mga gobyerno sa droga at mga manufacturer ang pagpoprodyus ng bagong variant.


Ang ulat ay inilunsad sa isang pagpupulong sa Vienna, Austria.


Halos 5 porsiyento ng mga residente ng European Union na nasa edad 15 at 24 ay nag-eksperimento na sa mga ganitong uri ng droga, ayon sa ulat.


Sa United States, 158 uri ng synthetic drugs ang kumalalat noong 2012, mahigit doble ng sa EU, at lumalawak ang paggamit sa East at Southeast Asia, kabilang sa China, Indonesia, Japan, Pilipinas, Thailand at Vietnam.


Sa isang pahayag na kasama ang 151-pahinang ulat ng organisasyon, sinabi ni UNODC head Yury Fedotov na patuloy na pinapatay ng illicit drug consumption ang halos 200,000 katao bawat taon.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/un-nagbabala-vs-designer-drugs/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment