Sumisid nang dagdag na apat na gintong medalya si Jessie Khing Lacuna sa huling araw ng kompetisyon sa swimming upang itala ang kasaysayan bilang may pinakamaraming naiuwing medalya ng Philippine Olympic CommitteePhilippine Sports Commission National Games.
Idinagdag ng 20-anyos na si Lacuna, incoming first year sa Ateneo De Manila sa kursong International Studies, ang mga ginto sa boys 100m butterfly (58.62), 200m individual medley (2:13.39), 50m freestyle (24.64) at 100m breaststroke (1:11.55) upang tuparin ang ipinangakong pagkubra ng siyam na ginto.
“Masayang-masaya po dahil napatunayan ko sa sarili ko na kaya kong abutin ang target ko,“ sinabi ng isa sa dalawang Olympian swimmer sa 2012 London na si Lacuna.
Ito ang unang pagkakataon sa torneo na binuhay noong 2011 na humablot ang isang atleta ng kabuuang siyam na gintong medalya.
Bagamat hindi niya napabilis ang kanyang mga oras dahil sa kawalan ng de-kalidad na kalaban ay ginamit naman ni Lacuna ang kompetisyon upang sukatin ang kakayahan na makalangoy sa siyam na event bilang paghahanda sa posibleng paglahok sa darating na 27th Southeast Asian Games at World Swimming Championships.
Matatandaan na nag-uwi si Lacuna ng anim na ginto noong 2011 PNG sa Bacolod at lima naman noong 2012 PNG sa Dumaguete upang tanghaling atleta na may pinakamarami ng napanalunan sa kabuuang 20 gintong medalya.
Nagbulsa naman ng limang ginto ang incoming first year AB Psychology student sa Ateneo at nasa kanyang unang pagsali sa PNG si Hannah Dato matapos na muling magwagi sa girls 200m individual medley. Una na itong nagwagi sa girls 400m freestyle (4:36.92) at 100m freestyle (59.83).- Angie Oredo
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/9-gold-sinisid-ni-lacuna/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment