Sunday, June 2, 2013

SANA MALUTAS NA

Sa muling pagbubukas ng klase, milyun-milyong magaaral na naman ang magtutungo sa paaralan para dumukal ng karunungan na magiging gabay nila sa kinabukasan. Gayunman, libu-libong graduate ang katatapos lang ng pag-aaral nitong Marso subalit ilan kaya sa kanila ang magkakaroon ng trabaho?



Nakatakdang magpulong sina US Pres. Barack Obama at Chinese leader Xi Jinping sa Hunyo 7-8 na gaganapin sa 80-ektaryang estate sa Sunnylands, Rancho Mirage, California. Magiging tampok sa pulong ng dalawang lider ng pinakamakapangyarihang bansa sa mundo ang tungkol sa tensiyon na umiiral sa West Philippine Sea. Ang US ay itinuturing na “Big Brother“ ng Pilipinas at inaasahang tutulong ito sa sigalot sakaling magsagawa ng karahasan ang dambuhalang China.


Samantala, ang China naman ay itinuturing ng Pinas na kapitbahay, kapatid, ka-Asyano na karelasyon sa daan-daang taon. Marami sa mga Pinoy ngayon ang may lahingTsino, tulad nina Jose Rizal at Pres.

Cory Aquino, bukod pa sa mga taipan/tycoon na malalaki ang negosyo sa bansa. Nagdarasal ang marami na sana ay malutas nang maayos ang angkinan ng teritoryo sa karagatan.


Sa mga bansa sa Southeast Asia -Pilipinas, Singapore, Malaysia, Indonesia, Brunei, Thailand, Vietnam -ang ating bansa ang may mga lider na magagaling magsalita sa English, nangangaral ng patriotismo at pagka-makabayan. Ang Vietnam na dinaluhong at winasak ng makapangyarihang mga bansa -France at United States -ay unti-unting bumabangaon at sumisigla ang ekonomiya at posibleng mapag-iwanan pa ang Pinas!


Ngayong tapos na ang eleksiyon, dapat nang tigilan ng mga pulitiko ang payabangan at intrigahan. Dapat na kayong tumigil sa kangangawa, sa halip ay kumilos at gumawa para sa kagalingan ng ating bayan upang hindi tayo kinakawawa ng mga kalapit na bansa dahil batid nilang mahina at walang puwersa ang ating Armed Forces of the Philippines at ang Philippine National Police.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/sana-malutas-na/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment