Saturday, June 1, 2013

Barbie Forteza, gaganap nang kontrabida

Ni Nora V. Calderon


MATUTUPAD na ang kahilingan ng maraming fans ni Barbie Forteza na mapanood naman siya sa kakaibang role at hindi lang laging good girl, iyakin o laging api-apihan.


Gaganap siya bilang si Karen sa remake ng Anna Karenina, ang isa sa classic teledramas ng GMA-7 na napanood ng anim na taon noong 90s at nagpasikat kina Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Kim delos Santos.



Si Karen ay unang ginampanan ni Sunshine, si Antoinette naman ang gumanap na Anna at si Kim sa papel na Nina.


Sa bagong version, makakasama ni Barbie ang dalawa pang kapwa niya home grown tween actresses ng GMA na sina Joyce Ching at Krystal Reyes.


Si Barbie ang kinikilalang Tween Queen ng GMA at tinanghal na 26th PMPC Star Awards for Movies New Movie Actress of the Year na agad na kinakitaan ng kahusayan sa pagganap bilang batang Jodi sa Pinoy version ng Stairway to Heaven. Nagbida na siya sa First Love, Tween Hearts, Pilyang Kerubin, Nita Negrita, Ikaw Lang ang Mamahalin, Luna Blanca Book 2, at Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa.


Kinikilala namang versatile young actress si Joyce Ching na nabigyan ng big break bilang young Shirley sa Pinoy version ng Endless Love. Napansin naman si Krystal Reyes bilang Kristal sa Bakekang at naging bida sa TV remake ng Mga Mata ni Angelita. Nakasama siya ni Jennylyn Mercado sa afternoon series na Hindi Ka Na Mag-iisa, ang kanyang huling proyekto.


Makakasama nila bilang ka-loveteam sina Derrick Monasterio, Julian Torio, at Hiro Peralta.


Ang kuwento ng Anna Karenina ay tungkol sa paghahanap ng mayamang si Donya Carmela sa kanyang labinlimang taon na apo na si Anna Karenina. May tatanggaping gantimpalang P10,000,000 ang sinumang makakapagdala ng apo sa kanya. Daan-daan labinlimang taon na dalagita ang lumitaw at nagpakilalang sila si Anna Karenina ngunit karamihan sa kanila ay peke, maliban sa tatlo na may naipakitang tunay na birth certificate at iba pang katibayan.


Magkakapareho ang pangalan ng tatlong dalagita ngunit may kani-kaniyang motibo.


Paano nila mapapatunayan na sila nga ang tunay na Anna Karenina Monteclaro? Liligaya ba sila sa pagkakaroon ng pera, bagong buhay, at pagmamahal?


Kasama rin sa masterpiece na ito sina Sandy Andolong, Yul Servo, Neil Ryan Sese, Juan Rodrigo, Valerie Concepcion, Allan Paule, Ana Roces, Maybelyn dela Cruz, Maureen Larrazabal, Alicia Meyer, Kathleen Hermosa, Joanna Marie Tan, at Yasmien Kurdi bilang si Magie Monteclaro, ang ina ni Anna Karenina.


Mula sa orihinal na konsepto ni RJ Nuevas at sa direksiyon ni Gina Alajar, mapapanood ang Anna Karenina simula sa Lunes (Hunyo 3), pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/barbie-forteza-gaganap-nang-kontrabida/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment