Saturday, June 1, 2013

Jake, ‘di insecure kay Daniel

ISA sa sinasabing pantapat ng GMA-7 kay Daniel Padilla si Jake Vargas.


Jake Vargas Ayon kay Jake nang disinasadyang masalubong namin kamakailan ay natutuwa naman daw siya na naikukumpara siya kay Daniel. Pero inamin ng guwapo ring young actor na malayo na ang narating ni Daniel at libu-libo na ang mga tagahanga nito.



“Actually, para sa aming mga kasamahan ko sa GMA, eh, alam naman naming kilala na siya at sikat na, di ba? Ando’n na ang pangalan niya. Malaking advantage `yung apelyido niyang Padilla, at least lalong nakatulong sa kanya `yun,“ sey pa ng alaga ni German “Kuya Germs“ Moreno.


Pero hindi naman daw dapat ma-insecure kay Daniel ang kagaya niya. Kahit papaano raw ay may sariling hukbo naman ng tagahangang sumusuporta rin sa kanya.


Samantala, ibinibida ni Jake ang mga kinunang eksena sa America ng Pepito Manaloto, ang show na kinabibilangan niya. Itinuturing niya na birthday gift ito sa kanya ng mga gumaganap na magulang niya na sina Manilyn Reynes at Michael V.


Riot daw ang episode ng Pepito Manalo na kinunan sa Amerika at aliw na aliw siya Jake sa bakasyon niyang `yun! –Jimi Escala




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/jake-di-insecure-kay-daniel/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment