Sunday, June 2, 2013

Dalawang ‘Juan,’ walang makatalo

NAALIW kami sa kuwentuhan, mainitang debate actually, ng ilang katoto tungkol sa mga programang magkakatapat-tapat sa ABS-CBN, TV5 at GMA-7.


Hindi na namin babanggitin kung anu-ano ang mga programa dahil baka may sumama na naman ang loob, pero nagkaisa ang mga katoto nang banggitin ng isa sa kanila na walang makakatalo sa My Little Juan ni Izzy Canillo at Juan de la Cruz ni Coco Martin dahil talagang sinusubaybayan daw ng mga bagets.



Pati tuloy kami ay nakisali na rin sa usapan dahil totoo namang napakalakas ng dalawang programang ito, at aminado rin maging ang ibang bossing ng ibang TV networks na nahihirapan silang tapatan ito.


Kaya obvious kung bakit panay ang ikot ng Juan Fun Day ng unit ni Deo Endrinal bilang pasasalamat sa mga bagets na nakatutok palagi sa kanila. Ngayong 4:00 ng hapon ay magkasama uli sina Coco at Izzy sa Market! Market! activity center pati na ang buong cast ng My Little Juan at Juan de la Cruz.


Magtutungo rin sila sa Ayala Center, Cebu sa Hunyo 8 (Sabado); Abreeza Mall, Davao sa Hunyo 16 (Linggo); Marquee Mall, Pampanga sa Hunyo 22 (Sabado); Tacloban sa Hunyo 23 (Linggo); at sa Palawan sa Hunyo 29 (Sabado). –Reggee Bonoan




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/dalawang-juan-walang-makatalo/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment