SAN JOSE (Reuters) – Hinimok ng regional human rights court ng America noong Huwebes ang El Salvador na pahintulutan ang mga doktor na magsagawa ng aborsiyon sa isang nagdadalantaong may serious deformity ang sanggol sa loob, inilalagay sa panganib ang kanyang buhay, ngunit hindi natinag ang bansang Central American.
Kumilos ang Inter-American Court of Human Rights matapos ibasura ng Supreme Court ng El Salvador noong Miyerkules ang apela ng isang 22anyos na babaeng nasa sentro ng kaso. Humihiling siya ng abortion kahit na ipinagbabawal ng El Salvador ang lahat ng kaso ng abortion.
Ang fetus ay nasa seryosong kondisyon ng anencephaly na nagreresulta sa kalahati lamang ng utak ang nadedebelop. Ang mga ganitong fetus ay bihirang mabuhay pagkapanganak. Habang ang ina ay may lupus at kidney problem, na naglalagay sa kanyang sariling buhay sa panganib.
Kayat hiniling ni Beatriz, 26 linggong buntis, sa pinakamataas na korte ng El Salvador na payagan siyang magpa-abort. Ngunit sa 4-1 ruling, tinanggihan ng korte ang kanyang kahilingan.
“The rights of the mother cannot be privileged over those of the unborn child,“ sabi ng korte sa kanyang desisyon, ikinatwirang “the Constitution protects human life from the point of conception.“
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/el-salvador-nanindigan-vs-abortion/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment