Ni Bella Gamotea
Inihayag kahapon ni Department of Interior and Lo cal G ove r nm ent (D I LG) Secretary Mar Roxas na hindi pa rin madetermina ang tunay na sanhi ng malakas na pagsabog sa Two Serendra Condominium sa Bonifacio Global City, Taguig City na ikinamatay naman ng tatlo katao at ikinasugat ng limang iba pa nitong Biyernes ng gabi.
Sa pulong balitaan kasama ng kalihim sina Philippine National Police chief Director General Alan Purisima, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina, Taguig City Mayor Lani Cayetano at Ayala Land President Tony Aquino, sinabi ni Roxas na pangunahin pakay ng awtoridad ang kaligtasan ng lahat, partikular ang mga tenant ng nasabing condominium at katabing gusali.
Tiniyak din ng DILG chief ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng pagsabog sa pamamagitan ng high-tech forensic equipment at mga K9 unit upang makakalap ng ebidensiya.
Nilinaw pa ni Roxas na gumamit ng tatlong K-9 unit mula sa NCRPO, Southern Police District SPD) at Armed Forces of the Philippines (AFP) subalit hindi nagrehistro ng pang-amoy sa usok ng pangkaraniwang bomba. Wala ring material, substance, fragment at detonation device ang natagpuan sa Room 501 ng condominium kung saan nangyari ang pagsabog.
Nananatiling nakasara ang supply ng tubig, elektrisidad at gas sa gusali ng Serendra habang inilikas naman ang mga tenant at mabususing sinusuri ng mga opisyal ng DPWH Engineers, Taguig City Engineering Office at Developer Engineers ang sanitation at pipe plans ng condominium upang masigurong ligtas ang lugar bago pabalikin sa kani-kanilang yunit ang mga residente na ang iba rito ay dinala pa sa mga hotel.
Kasalukuyan ding nagiimbestiga ang Scene-of-theCrime Operatives (SOCO) at Bureau of Fire Protection (BFP) batay sa mga nakalap na forensic evidence at pinag-aaralan ang explosion pattern ng debris.
Kasabay ng pagpapaabot ng taos-pusong pakikiramay, ginarantiyahan naman ni Cayetano an tulong mula sa lokal na pamahalaan at Ayala Land para sa mga nasawing biktima na sina Sonny Mar Natividad, 35, driver at mga pahinateng sina Jeffrey Umari, 33, ng Nueva Ecija at Marlon Pambiola, 29, residente ng Carmona,Cavite na sakay ng Abenson delivery van na nadaganan ng malaking slob ng pader na semento mula sa Room 501.
Ang mga sugatan sa insidente ay kinabibilangan nina Angelito San Juan, Allen Paule Louise, at Joy Garcia.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/sanhi-ng-pagsabog-sa-serendra-inaalam-pa/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment