Saturday, June 1, 2013

Electoral protest, kinagawian na ng talunang kandidato

Umabot na sa 59 ang election protest na inihain sa Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa ginanap na May 13 midterm polls.


Naniniwala si Comelec Commissioner Lucenito Tagle na tataas pa ang bilang ng mga election protest sa mga susunod na araw.



“Mga 59 na eh…’yan ang nira-raffle sa amin pero may mga dumadating pa daw so baka abutin 100 plus yan,“ ani Tagle.


Karamihan sa mga kaso, aniya, ay inihain ng mga lokal na kandidato.


“Mostly local candidates, like city mayor, sangguning panlalawigan,” dagdag niya.


Bagamat hindi niya maalala ang eksaktong bilang ng mga electoral protest noong May 2010 elections, naniniwala naman si Tagle na mas marami pa rin ang mga kasong inihain noong presidential polls kung ikukumpara nitong Mayo 13, 2013 midterm polls.


Nang tanungin kung bakit marami pa rin ang naghain ng protesta sa kabila ng paggamit ng automatic vote counting machine, sinabi ni Tagle na maaaring ito ay may kinalaman sa ugali o kinasanayan ng mga

kandidato, lalo na yaong mga talunan.


“Ewan ko ba siguro kasi ayaw nila pumayag na natalo… so we really have to check kung talagang may anomaly dun sa Precinct Count Optican Scan (PCOS) machine. Gaya nung last time, karamihan naman dun sa election protest na dismiss lahat. Wala naman discrepancy,” pagtiyak ni Tagle.


Sisimulan ng Comelec ang pagdinig sa mga kasong inihain ng mga lokal na kandidato noong Hunyo 6. – Leslie Ann G. Aquino/ Manila Bulletin




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/electoral-protest-kinagawian-na-ng-talunang-kandidato/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment