Ni Jimi Escala
MUKHANG may panibagong intriga na namang haharapin ang mga host ng Showtime particularly sina Anne Curtis at Nikki Gil.
Marami kasi ang nag-react sa pagsusuot ng dalawa ng Filipiniana sa isang comedy skit ng noontime show.
Tumawag sa amin ang kaibigan naming antique collector na si Mr. Terry Baylosis at pinag-usapan daw ng mga kasamahan niya ang anila’y pambaboy nina Anne at Nikki Gil sa kasuotang terno.
Galit na galit pa nga raw ang kasamahan niyang si Direk Floy Quintos (direktor ng Startalk ng GMA-7) sa malaking insulto sa ating mga Pinoy sa kawalang paggalang ng kung sinumang nagpapasuot kina Anne at Nikki sa terno.
“Tama ba namang habang suot ang terno na dapat nating ipagmalaking mga Pilipino, eh, nagbaliwbaliwan sila? Dapat sana mabigyan din ng atensiyon ang kung sinumang nagpasimuno noon. Hindi na nila iginagalang ang terno, pambababoy ang ginawa nila,“ galit na galit pang pahayag daw ni Terry Baylosis.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/anne-at-nikki-binabatikos-sa-kawalan-ng-paggalang-sa-terno/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment