Friday, June 28, 2013

Mga anak ni Michael Jacskson patuloy ang hinagpis…

I can’t sleep at night —Prince


Nangangamba si Michael Jackson na mamamatay siya habang naghahanda para sa kanyang comeback tour at hindi na nga siya nabuhay nang matagalan para maisakatuparan.


Tumestigo ang panganay na lalaki ng King of Pop, ang 16-anyos na si Prince Jackson, noong Miyerkules sa L.A. na ang kanyang ama ay palaging naglalabas ng saloobin sa kanya, kahit na siya ay 12 lamang nang panahong pumanaw ito noong 2009, ayon sa CNN.



“After he got off the phone, he would cry,” sabi ni Prince sa unang araw ng kanyang pagtestigo sa kaso ng pamilya na nag-aakusa ng wrongful death sa concert promoter na AEG Live.


“He would say ‘They’re going to kill me, they’re going to kill me’.”


Ipinaliwanag ni Prince na ang tinutukoy ng kanyang ama ay ang AEG Live CEO na si Randy Phillips at ang ex-manager nito na si Dr. Tohme Tohme.


Tumestigo rin siya na sina Phillips at Dr. Conrad Murray, ang dating doktor ni Michael na nahatulan sa kasong involuntary manslaughter sa pagkamatay ni Michael, ay nagkaroon ng tensiyonadong komprontasyon noong gabi bago namatay si Michael noong Hunyo 25 sa overdose ng anesthetic na propofol.


Kahit na inamin ni Prince na hindi niya naririnig ang kanilang usapan, nakita niya si Phillips na hinila ang siko ni Murray.


“It looked aggressive to me,” pahayag ni Prince habang nanunumpa. “He was grabbing by the back of his elbow and they were really close and he was making hand motions.”


Sinabi ng binatilyo sa cross-examination ng AEG Live’s lead lawyer na si Marvin Putnam na maaaring naganap ang insidente noong gabi bago ang nauna niyang ipinahayag, ngunit muling kinumpirmang naganap ito.


Iniulat ng The Associated Press na tumestigo si Prince na kung minsan ay binibigyan siya ni Michael at ang kanyang 15-anyos na kapatid na si Paris ng bultong $100 bills para ibigay kay Murray, na sa pagkakaintindi ni Prince ay suweldong hindi pa ibinibigay ng AEG Live sa doktor. Ayaw tangapin ni Murray ang pera mula kay Michael, ayon kay Prince.


Muli, nagsalita tungkol sa mga huling sandali ng kanyang ama, ibinunyag ni Prince na ang kanyang mga huling salita sa kanyang ama ay naganap sa telepono: Tinawagan ni Prince si Michael, na nasa final rehearsal para sa tour, mula sa security guard shack sa labas upang ipaalam sa kanya na nasa kanilang bahay si Phillips, at inatasan siya ni Michael na alukin ng maiinom si Phillips.


Bagamat ibinunyag ni Prince na palaging sa loob ng kanyang nakakandadong silid tumatanggap ng treatment si Michael mula kay Dr. Murray, nang tumakbo siya sa silid ng ama ay nakita niya si Murray na nagsasagawa ng CPR habang si Michael ay “half hanging out of the bed” at ang mga mata ay tila nakatingin sa itaas nang gabi na pumanaw ito.


Sumunod sa kanya si Paris, “but we kept pulling her down the stair,” aniya. “She was screaming the whole time saying she wants her daddy.”


Kalaunan sa ospital, sinabi sa kanila ni Dr. Murray na, “Sorry kids, your dad’s dead.”


Nagsalita rin si Prince tungkol sa kanyang mga nakababatang kapatid, sina Paris at ang 11-anyos na si Blanket, at tungkol sa kanilang buhay kasama ang ama. Ipinakita niya ang mga litrato at video na magkasama ang pamilya at iginiit na hindi nila naiintindihan ang katanyagan ng kanilang ama hanggang sa mapanood nila ang video ng isa sa mga konsiyerto nito na may fans na tumayo sa kani-kanilang stretcher sa labis pagkasabik sa pagtatanghal ni Michael.


“We always listened to his music, but we never knew how famous he was,” sabi ni Prince.


Apat na taon simula nang mamatay si Michael, sinabi ni Prince na nagdurusa pa rin ang silang magkakapatid — lalo na si Paris. Naospital ang anak na babae ni Michael sa tangkang pagpapakamatay ngayong buwan, at kasalukuyang tumatanggap ng psychiatric treatment sa UCLA Medical Center, ngunit inaasahang ipatatawag din siya para tumestigo sa paglilitis.


“I think out of all of my siblings she was probably hit the hardest because she was my dad’s princess,” wika niya, idinagdag na nahirapan si Paris nang tanungin ito ng mga abogado ng AEG Live noong Marso bilang paghahanda sa paglilitis.


“She had some problems before, after and, I assume, during,” aniya. “She definitely is dealing with it in her own way.”


Ipinaliwanag niyang siya rin ay apektado.


“I can’t sleep at night,” kumpisal ni Prince. “I have a hard time sleeping.”


At dahil sa pagkamatay ni Michael, binigyang diin ni Prince na siya ay matagal na naging “emotionally distant from a lot of people”, at nangungulila siyang maibahagi ang mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay sa kanyang ama, gaya ng “the first day of going to school, having the first girlfriend, being able to drive.”


Sa tatlong anak ni Michael, tanging si Blanket ang patuloy na ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan, paliwanag ni Prince, at idinagdag na, “Right now, I don’t know if Blanket realizes what he lost. He was so young. He is still growing up just like I am and he doesn’t have a father to guide him.” – Yahoo OMG/CNN




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/mga-anak-ni-michael-jacskson-patuloy-ang-hinagpis%e2%80%a6/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment