Friday, June 28, 2013

MAGKAKASUBUKAN NA!

4 koponan, ‘di magbibigayan ngayon

Ni Marivic Awitan


Mga laro ngayon: (MOA Arena)

2 p.m. FEU vs. UE

4 p.m. La Salle vs. UST


Matinding labanan sa pagitan ng apat na koponan na pawang binabantayan ang nakatakdang matunghayan ngayon, bukod sa pagsalang ng dalawang bagong collegiate mentors, sa pagbubukas ng ika-76 taon ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.



Unang magsasagupa sa ganap na alas-2:00 ng hapon, matapos ang opening rites na may temang “Greatness Never Ends” na pangungunahan ng season host Adamson, ang Far Eastern University at ang nakaraang Fil-Oil Flying V Cup champion na University of the East.


Magtutuos naman sa tampok na laban sa ganap na alas-4:00 ng hapon ang De La Salle University at ang nakaraang taong runner-up na University of Santo Tomas.


Aminado ang rookie coach ng Tamaraws na si Nash Racela na mabigat agad ang asignaturang natapat sa kanila.


“UE is a formidable team. They’re one of the contenders,” pahayag ni Racela.


Partikular na binanggit ni Racela ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na point guard ngayon sa collegiate ranks at MVP sa nakaraang Fil-Oil Cup na si Roi Sumang.

Aniya, bukod sa pagiging mahusay ni Sumang, napapaligiran pa ito ng mahuhusay na kakampi na pinalakas pa sa pagdating ng kanilang sentro na si Charles Mammie, tubong Sierra Leone.


Gayunman, ayon kay Racela, inaasahan niyang makatutulong naman ng malaki sa kanyang koponan ang sinasabi niyang malaking pagbabago sa kanilang sistema.


Ngunit gaya ng iba pang coaches, kailangan muna niyang makita ito at mapatunayan pagdating sa laban, lalo na ang pagtutulungan ng kanyang matinding backcourt tandem na sina dating league MVP RR Garcia at Terrence Romeo.


Sa kabilang dako, sinabi naman ni UE Red Warriors coach Boysie Zamar na maraming bagay ang dapat ikunsidera sa pagsalang sa opening day, kabilang na rito ang tinatawag na “opening jitters” na kadalasan aniya ay walang pinapatawad kahit pa ang mga tinaguriang star players.


Kaya naman na nangako siyang sisikapin na mapanatiling focus ang kanyang team sa kanilang laro, lalo na sa “execution” ng kanilang depensa.


Samantala, sa tampok na laro, halos mag-iisang buwan pa lamang na naupo bilang head coach ng La Salle Green Archers, matinding hamon din ang susuungin ni coach Juno Sauler lalo pa’t ang makakatapat niya ay isang beterano at champion coach sa katauhan ni UST Tigers coach Pido Jarencio na may masasabi ring mabigat na line-up matapos na maraming gulatin noong nakaraang taon nang umabot sila sa finals.


Subalit sinabi ni Sauler na magkakaperhas lamang ang kanilang ginagawang preparasyon kahit na sino pa ang kanilang kakalabanin dahil para sa kanila ang lahat ay maituturing na contenders.


“Our preparation will not be different. We will come to the game with the same mind set whoever we face,” pahayag ng dati ring Archer na si Sauler.


Sa kabilang dako, inamin naman ni Jarencio na palaisipan sa kanila ang La Salle dahil sa bago nilang coach.


“Medyo ligaw kami sa La Salle e, kasi under new coach sila,” sambit ni Jarencio.


“Tapos isa din sila sa mga contenders, marami silang new recruits like Kib Montalbo na magagaling at sigurado na ibang sistema sila ngayon,” dagdag pa nito.


Muling inaasahang mamumuno para sa Tigers sina team captain Jeric Teng, at mga kapwa nito D-League veterans na sina Kevin Ferrer, Aljohn Mariano, Paulo Pe, Kim Lo at ang kanilang foreign center na si Karim Abdul.


Samantala, kinabukasan pa sisimulan ng 5-time champion Ateneo de Manila ang kanilang title retention bid sa pagharap nila sa itinuturing na “team to beat” ngayong taon na National University matapos ang unang salpukan sa pagitan ng host Adamson at ng University of the Philippines sa nasabi ding venue.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/magkakasubukan-na-2/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment