Friday, June 28, 2013

Pagpapatigil ng mandatory drug test, kinontra ng transport groups

Ni Chito A. Chavez/Manila Bulletin


Daan-daang miyembro ng grupo ng transportasyon ang nagpahayag ng pagtutol sa planong tuluyan nang tanggalin ang mandatory drug testing sa mga nag-a-apply at nagre-renew ng drivers’ license.


Sa forum sa Quezon City kahapon, kinatawan ni Efren De Luna, presidente ng Alliance of Concerned Transport Operators (ACTO), ang kanyang mga kasapi sa paghiling na mapanatili ang mandatory drug test upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa lansangan o mabawasan man lang ang bilang ng mga aksidente.



Iginiit ni De Luna ang kahalagahan na magsagawa ng drug testing upang masigurong hindi makapagmamaneho ang mga gumagamit ng ilegal na droga.


Sa halip na tuluyan nang ipatigil ang mandatory drug testing, sinabi ni De Luna na dapat ay paigtingin pa ang kampanya laban sa mga motoristang drug addict.


“Driving is a privilege. Not everyone is afforded this right. Hence, the government must ensure that only those who are fit can drive. This is the aim of RA No. 9165 when it mandated that every applicant for license should undergo drug testing,” giit ni De Luna.


Kinakatawan ang lahat ng mga transport organization, kinuwestiyon ni De Luna ang probisyon sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act na nagpatigil sa mandatory drug test sa mga nag-a-apply at nagre-renew ng lisensiya, sinabing hindi nagsagawa ng public consultation ang Senado para talakayin ang bagong batas.


Kaugnay nito, maghahain naman ng petisyon ang Motorcycle Federation of the Philippines upang magpalabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) laban sa implementasyon ng probisyon na nagbabasura sa mandatory drug test sa pagkuha ng lisensiya.


Sa pulong-balitaan kahapon, sinabi ni Atoy Sta. Cruz, pangulo ng organisasyon, na ihahain nila sa Lunes sa Korte Suprema ang kanilang petisyon laban sa nasabing batas na inakda ni Senator Vicente Sotto III.


Suportado ng ACTO at Pasang-Masda ang nasabing petisyon, at parehong nagsabi na pag-aaralan ng kani-kanilang abogado ang posibilidad na magsanib ang lahat ng grupong transportasyon para sa petisyong haharang sa petisyon.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/29/pagpapatigil-ng-mandatory-drug-test-kinontra-ng-transport-groups/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment