Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina na huwag nang gamitin ng mga pulis sa Metro Manila ang terminong “riding-in tandem“ sa pagtukoy sa mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.
Ito ay bilang tugon sa direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima na nagsasabing umaalma sa taguri ang mga inosenteng nagmomotorsiklo sa mga lansangan.
Nakasaad sa kautusan ni Purisima na dapat nagkaroon ng wastong “labeling” o pagbabansag kung sangkot sa panghoholdap ang dalawang suspek na tumakas gamit ang motorsiklo tawagin na lamang na holdaper o snatcher kapag nanghablot ng gamit.
Layunin nitong maiiwas ang negatibong reaksiyon sa mga inosenteng gumagamit ng motorsiklo partikular ang magkaangkas na nagiging mainit sa mata ng mga pulis at laging napagkakamalang suspek.
Magiging maingat na rin ang pulisya sa pagbansag sa mga masasamang grupo gaya ng pagbansag sa “Waray-waray gang” dahil hindi naman lahat ng mga Waray ay lumalabag sa batas. – Bella Gamotea
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/terminong-riding-in-tandem-ipinagbawal/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment