Saturday, June 1, 2013

Umulan ng mga bagong record

Ni Marivic Awitan


Matapos mabura ang Philippine record sa women’s 3,000 meter steeplechase sa unang araw ng kompetisyon, tatlo pang national records ang naitala sa centerpiece event athletics sa ginaganap na 2013 POCPSC National Games sa Philsports Complex track and football field sa Pasig City.



Pagkaraang makapagtala ni Jessa Mangsat ng bagong record sa women’s 3,000 meter steeplechase event, tatlo pang records ang nasira, dalawa sa men’s division at isa sa junior women sa pamamagitan nina national team mainstay Eliezer Sunang, Fil-Am Eric Cray at University of Santo Tomas athlete Jessa Mae Fernandez.


Nagawang burahin ni Sunang ang sariling national record sa men’s shotput noong Agosto 2012 sa ginanap na HCMC Championships na 16.56 meters matapos niyang maibato ang layong 16.58 meters.


Pormal namang nakapagtala ng bagong Philippine record ang Fil-Am na si Cray nang lagpasan ang dating record sa men’s 110 meter hurdles na 14.58 segundo na ginawa ni Patrick Unso noong nakaraang 2011 Southeast Asian Games.


Sa heats pa lamang ay binura na ng 24-anyos na si Cray ang record matapos siyang maorasan ng 11.22 segundo, bago siya nakapagtala nang mas mabilis na record na 14.17 sa finals kung saan tinalo niya ang dating record holder na si Unso (14.21) at Jose Unso (15.00) na kapwa kumatawan sa TMS-La Salle.


Ayon kay Cray na tubong San Antonio,Texas at miyembro ng 2012 NCAA Second Team All-American (400-Meter Hurdles, 4×100-Meter Relay) at 2012 Big 12 Outdoor Scorer (400-Meter Hurdles, 4×100-Meter Relay, 4×400-Meter Relay), na hangad niyang mapabilang sa national athletics team na lalahok sa Asian Championships na gaganapin sa Hulyo 3-7 sa Pune, India, makuwalipika sa World Championships na idaraos naman sa Agosto 10-18 sa Nanjing, China at gayundin sa Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.


Ang ikaapat na bagong national record ay itinala naman ni Fernandez sa junior women’s hammer throw matapos siyang makapagtala ng distansiyang 35.36 meters kumpara sa dating 13-taon nang record na 33.56 meters na itinala ni Loralie Amahit na ngayo’y mas kilala bilang si Loralie Sermona, ang gold medal winner naman sa women’s hammer throw (48.70m) noong 2000 National Open.


Bukod sa tatlo pang bagong national record, naitala din noong nakaraang Biyernes ng gabi ang unang upset ng torneong ito na bahagi ng taunang PNG na inisponsoran ng STI Colleges, Standard Insu¬rance, Procter & Gamble, Summit Mineral Water, Ayala Corporation, LBC, 7Eleven, Nestle-Milo, Aranas Law Office, Bala Energy Drink, Splash Islands at Enchanted Kingdom, matapos na maagaw ni Harry Diones ng Run for Change team ang korona sa dating national champion na si Joebert Delicano sa men’s triple jump.


Nakatalon ang 5-foot-11 at 20anyos na Criminology student ng Jose Rizal University ng 15.38 meters sa kanyang ikaanim at huling talon para ungusan si Delicano na nakapagtala naman ng 15.26 meters sa kanyang ikaapat na attempts bago na-foul sa kanyang sumunod na dalawang attempts, kabilang na ang ikaanim na attempt sa layong 15.50 meters.


“Nakatsamba lang po, hindi ko naman kasi inaasahan kasi po national team member ‘yung kalaban ko,” sinabi ng tubong Camarines Sur na si Diones na nadiskubre ng kanyang coach na si dating long jump queen na si Elma Muros Posadas noong nakaraang 2010 Palarong Pambansa.


“Talagang magaling at may potensiyal siya. Marami naman dito na talagang puwedeng maging member ng national team. Sana nga ay mabigyan sila ng pagkakataon,” pahayag naman ni Delicano tungkol kay Diones na nag-silver medal din sa men’s long jump sa tinalon nitong 7.12 meters kasunod ng record holder na si Henry Dagmil (7.39 m).


Nahirapang mag-adjust si Delicano sa ginamit na “improvised take-off pad” kung saan ay gumamit lamang ng pinagpatung-patong na masking tape ang mga official dahil nasira na ang dating take-off pad.


Samantala, sa iba pang mga resulta, humanay naman sa mga gold medal winners sina national team mainstays Narcisa Atienza matapos magwagi sa women’s shotput sa kanyang naibatong layo na 12.25 meters kung saan ay inungusan niya ang kapwa nationals na si Rosie Villarito na tumalo naman sa kanya sa javelin throw matapos na nakapagbato lamang sa layong 11.44 meters, isa pang national team member na si Rielze Buenaventura sa women’s pole vault (3.80 meters), Felyn Dolloso sa women’s triple jump (11.76 meters), Arnel Ferrera para sa kanyang ikalawang gold sa men’s discuss throw (42.61 meters) at Sarah Vitug sa women’s 1,500 meters (4:35.01).


Nagwagi din ng gold medal ang second generation athlete na si Emily Jean Obiena, anak ng dating undisputed pole vault king na si Emerson Obiena sa junior girls pole vault matapos makatalon ng 2.70 meters.




View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/umulan-ng-mga-bagong-record/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment