Ni Reggee Bonoan
FINALLY, pagkalipas ng isang taong proseso ng adoption papers ni Joanna Lois o mas kilala bilang si Yohan na panganay nina Ryan at Judy Ann SantosAgoncillo, legally adopted na ng TV host/actor ang walong taong gulang na bagets.
Abut-abot ang tuwa ng maginang Juday at Yohan nang ikuwento nila ito kay Mommy Carol Santos.
“Teary-eyed silang mag-ina nang ikuwento sa akin na lumabas na ang papeles at Agoncillo na si Joanna, siyempre masaya ako. Very happy rin si Ryan kasi matagal na rin nilang dream `yung araw na `yun,“ kuwento sa amin ng mommy ni Juday.
Nu’ng nakaraang Linggo ay bininyagan na si Yohan bilang Agoncillo kasabay ng thanksgiving mass na pinamahalaan ni Father Tito Caluag sa mismong bahay ng mag-asawang Ryan at Juday sa Alabang na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at miyembro ng pamilya.
Si Sharon Cuneta ang ninang ni Yohan pero hindi nakadalo dahil nasa Amerika kaya’t si Direk Joey Reyes ang proxy at ang kuya naman ni Ryan na si Dondee ang ninong.
Matatandaang sanggol pa lang si Yohan nang mapunta kay Juday (dalaga pa siya noon) at inabot naman ng tatlong taon ang adoption process bago naging ganap na Santos ang apelyido ng bagets.
Grabe pala ang proseso sa paga-adopt ng bata, Bossing DMB, sobrang tagal bukod sa magastos din dahil may hearing-hearing pa.
Samantala, habang tinitipa namin ang balitang ito ay kasalukuyang nasa Rockwell si mommy Carol kasama ang dalawang apong sina Yohan at Luchio.
“Heto, babysit ako ng mga apo, may voice lesson si Juana. I call Yohan Juana at si Luchio, Juan Luis,” say ni Mommy Carol.
Samantala, ngayong gabi ang celebrity screening ng Huwag Ka Lang Mawawala na pangungunahan nina Judy Ann, Sam Milby, KC Concepcion, John Estrada, Tirso Cruz III, Coney Reyes, Mylene Dizon, Empress, Susan Africa, Matet de Leon, Bryan Termulo, Joseph Marco, at iba pa sa Resorts World.
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/06/02/yohan-legally-adopted-na-rin-ni-ryan-agoncillo/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment