Friday, March 29, 2013

10 patay sa bangkang lumubog

Ni Fer Taboy


Sampu ang namatay at lima ang sugatan habang dalawa ang nawawala sa pagtaob ng isang bangkang de motor nilamon ng buhawi sa Liguasan Marsh, Sultan, Barongis, Maguindanao, iniulat kahapon.


Nakitaan din ng paglabag ang operator ng bangka kaya inihahanda na ang kasong kriminal laban dito dahil overload umano ang tumaob na bangka.



Sinabi ni Sultan Mayor Datu Allan Angas, na inirekomenda niya ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa operator ng tumaob na bangka.


Nagpapatuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng PNP Maritime Unit at Coast Guard sa dalawang nawawalang biktima.


Ayon kay Angas, naganap ang trahedya Lunes ng gabi sa tri-boundary ng Maguindanao, North Cotabato at Sultan Kudarat sa gitna ng malakas na pagbuhos ng ulan.


Sa report na nakarating sa Maguindanao Provincial Police Office (MPPO) lima sa mga nasawi ang kinilalang sina Panunggo Kudtog, Baikong Kudtog, Paano Kudtog, Montoki Kudtog at Seno Blah na pawang residente ng Brgy. Kudal, Pagalungan, Maguindanao.


Nagpahayag naman ng pangamba si Mayor Angas sa kaligtasan ng mga nawawalang pasahero matapos mabigo ang mga otoridad na matagpuan sila noong Martes.


“Yes, we’re still hoping we could find them. Search and rescue operations are still ongoing,” sabi ni Angas sa isang panayam sa radyo.


Sinabi naman ni Maguindanao Police director Senior Supt. Rodelio Jocson na base sa report na kanyang tinanggap may kabuuang 17 katao ang sakay ng motorboat.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/10-patay-sa-bangkang-lumubog/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment