Walang pinatatawad ang kamangmangan sa malawakang gun ban, kahit pa ang mga miyembro ng pulisya.
May 13 pulis ang maaaring matanggal sa serbisyo makaraang mahuli sa paglabag sa gun ban, gamit ang mga baril na inisyu sa kanila.
Bukod sa mga kasong administratibo na maaaring maging dahilan ng pagkakasibak nila sa serbisyo, sasampahan din ng kasong kriminal ang mga nagkasalang pulis at maaaring makulong, ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Cerbo, ang 13 pulis ay kabilang sa mga naarestong gun ban violators, na sa kabuuan ay umabot na sa 1,253, ayon sa huling bilang nitong Huwebes ng umaga, at may kabuuang 1,140 baril na ang nakumpiska mula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 13.
Ang pag-aresto, ayon kay Cerbo, ay resulta ng kakulangan sa kaalaman tungkol sa mga patakaran sa gun ban na sumasakop sa pulisya, at maaaring iniisip ng mga naarestong pulis na hindi sila saklaw nito.
Ipinaliwanag ni Cerbo na hindi saklaw ng gun ban ang mga pulis kapag nakasuot ng kumpletong uniporme at ginagampanan ang opisyal na tungkulin, tulad ng intelligence-gathering.
Bukod sa mga pulis, siyam na sundalo rin ang naaresto. – Aaron Recuenco/Manila Bulletin
Related Posts:
- Pulis, bawal sa sabungan, beerhouse
- 2 pulis, sinibak sa pamumulitika
- Mga nagdodroga sa NCRPO, aalamin
- 403 naaresto sa gun ban
- 10 pang pulis nakatakdang sibakin
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/13-pulis-posibleng-masibak-makulong/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment