Tuesday, March 5, 2013

ARMM athletes, bibigyan ng prayoridad

Bibigyan ng prayoridad ng Department of Education (DepEd) at maging ng host Negros Oriental ang mga batang atleta mula sa Autonomous Region for Muslim Mindanao bilang pagpapahalaga sa itinataguyod ng pamahalaang Aquino sa implementasyon ng `Peace Process’ sa gaganaping 2013 Palarong Pambansa.



Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro na nagkasundo ang kanyang ahensiya at ang pamunuan ng NegOr, sa pangunguna ni Governor Roel Degamo, na mas bigyang prayoridad ngayong taon ang mga batang atleta mula sa lugar kung saan ay may nagaganap na sigalot na ARMM.


“Hayaan naman natin na ang laging nasa huli ay siya namang mauna ngayon,” sinabi ni Luistro.


“Ipadama natin sa mga kabataan natin na naninirahan sa madalas maganap ang kaguluhan na lugar na sila ay pinahahalagahan din natin sa pagbibigay ng espesyal na pagtrato ngayong taon,” giit ni Luistro.


Napagkasunduan ng DepEd at host NegOr na ibigay sa delegasyon ng ARMM ang pinakamagandang pasilidad para matamasa ng mga lalahok na atleta mula sa rehiyon ang pinakamaganda at maayos na lugar ng Silliman State University.


“We would like them to enjoy even for just one week an environment that is far away from armed conflict,” dagdag pa ni Luistro.


Gaganapin ang 2013 Palarong Pambansa sa darating na Abril 21 hanggang 27 sa Dumaguete City. Lalahok ang mga batang atleta mula sa elementarya at sekondarya sa buong 17 rehiyon ng bansa sa paglalabanang 17 isport at tatlong bagong demonstration na laro.


Magsisilbiing main hub ng kompetisyon ang Gov. Mariano Perdices Memorial Track and Field Stadium na malapit lamang sa kapitolyo ng probinsiya, gayundin ang Lamberto Macias Sports Complex.


Ang bagong saling mga laro ay ang wushu, billiards at futsal habang ang mga regular na sports ay ang arnis, athletics, badminton, baseball, basketball, boxing, chess, football, gymnastics, sipa and sepak takraw, softball, swimming, table tennis, taekwondo, tennis at volleyball. – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/armm-athletes-bibigyan-ng-prayoridad/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment