Wednesday, March 13, 2013

Barrameda case star witness, nawawala

Pinaiimbestigahan ngayon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Leonardo Espina ang umano’y misteryosong pagkawala ng tinaguriang star witness sa kasong pagpatay kay Ruby Rose Barrameda, kapatid ni dating beauty queen at actress Rochelle Barameda, mula sa piitan nito sa Taguig City.



Nawawala umano simula pa noong Linggo si Manuel Montero na nasa kustodiya ng NCRPO-RPIOU sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.


Bukod dito, bumaligtad na rin si Montero dahil sa tawag ng “konsensiya” base sa apat na pahinang notice of withdrawal of consent na isinumite umano nito ng Martes sa Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 170 kung saan binawi at pawang kasinungalin ang kanyang naging salaysay noong Mayo 28 at Hunyo 11, 2009.


Kabilang dito ang testimonyang kasama niya ang akusadong si Manuel Jimenez nang ilagay ang bangkay ni Barrameda sa loob ng isang drum. Iginiit ni Montero sa kanyang pagbawi ng salaysay na wala siyang kilalang Atty. Jimenez at Manuel Jimenez.


Sa unang pahayag ni Montero kabilang siya sa mga nabayaran ng tig-P50,000 kasama ang mga suspek na sina Eric Fernandez, Spike Discalzo, Rudy dela Cruz at Robert Ponze upang patayin si Barrameda noong Marso 12, 2007.


Sumuko si Montero sa pulisya noong Mayo 18,2009 na siyang nagturo sa pinagtapunan ng bangkay ng biktima sa Navotas port. Galing umano ang utos kina Manuel Jimenez Jr. at nakababatang kapatid na si Lope, isang shipping magnate sa Navotas City at nagmamay-ari ng Buena Suerte Jimenez Fishing and Trading Co..


Samantala labis na ikinalungkot ng pamilya Barrameda ang pagkawala ni Montero sa kustodiya ng NCRPO kung saan masamang balita aniya ito para sa death anniversary ni Ruby Rose ngayong Huwebes. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/14/barrameda-case-star-witness-nawawala/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment