Friday, March 1, 2013

BFP, muling nanawagan sa mamamayan

Ni Fer Taboy


Muling pinaalalahanan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mamamayan na mag-ingat sa aksidente ng sunog.


Dahil dito, pinalakas ng BFP ang kanilang kampanya laban sa sunog sa panahon ng Fire Prevention Month ngayong Marso.



Bilang bahagi ng programa, ilulunsad ng BFP ang unity walk para balaan ang publiko na mag-ingat sa aksidente ng sunog at paigtingin ang kanilang information dissemination kontra sunog sa panahon ng Fire Prevention Month.


Naniniwala naman ang BFP na malaki ang maitutulong ng 38 bago at modernong fire truck na ipinamahagi ni DILG Secretary Mar Roxas na magagamit sa pagresponde sa mga sunog sa Metro Manila at karatig lugar.


Kamakailan ay pinasinayaan ni Roxas ang 38 bagong Australian fire truck sa Camp Crame.


Kayang abutin ng mga fire truck ang matataas na gusali kung saan ay nagbubuga ito ng 2,400 litrong tubig bawat minuto at puwedeng umabot sa 62 metro.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/02/bfp-muling-nanawagan-sa-mamamayan/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment