Ni Lyka Manalo
(Photo courtesy of Calaca LGU)
NAGING kaugalian na ng mga deboto ni San Rafael Arkanghel ang dumayo sa Calaca, Batangas tuwing Miyerkules Santo para sa taunang tradisyon ng Carrera de Paso. Ito ay paligsahan ng pinakamabilis na kabayo sa karera sa paraang paso (trot) na hindi man kalakihan ang gantimpala ay patuloy na matagumpay na isinasagawa taun-taon.
Hindi alintana ng mga kalahok ang halaga ng premyo dahil mas mahalaga ang kanilang panata kay San Rafael, ang tunay na dahilan ng pagdayo ng mga deboto mula sa iba’t ibang probinsiya.
“May mga dumadayo dito ay mga taga-Cavite, Pampanga, Bulacan, Caloocan, Laguna, Rizal, at iba’t iba pang probinsiya at mga tagarito rin sa Batangas,” ayon kay Mayor Sofronio ‘Nas’ Ona, Jr. na palaging nakikiisa sa programa ng Carrera de Paso sa kanilang bayan.
Kasaysayan ng Carrera de Paso
Noong 1800s, naging tradisyon na ng mga taga-Calaca at mga naninirahan sa karatig-bayan at lalawigan ang pagsisimba tuwing Miyerkules Santo bilang panata kay Saint Raphael Arcangel. Magtitipun-tipon sila sa simbahan ng Calaca sakay ng mga kabayo at pagkatapos ng misa ay sinisimulan na ang karera.
Dati-rati, mga indibidwal na taga-Calaca ang nag-oorganisa ng karera tuwing Miyerkules Santo pero simula noong 2005, nang maging alkalde si Ona, nakibahagi na ang pamahalaang bayan sa programa at pinangunahan ang tradisyon.
Pagkatapos ng misa, naglalaan ng patanghalian ang munisipyo para sa mga kalahok at mga turista na gustong sumaksi sa paligsahan bago simulan ang tradisyon na karera.
Umaabot sa mahigit sa 20 pangkat ang karera depende sa magkakaparehong laki o liit ng kabayo na magtutunggali.
May nakalaang P1,000-P1,500 ang munisipyo para sa bawat mananalo, maliit na halaga subalit bahagi na ng panata sa nakagaugaliang kultura at tradisyon.
Ang Carrera de Paso ang pinakatampok na programa sa bayan ng Calaca tuwing sasapit ang Mahal na Araw.
Istasyon ng Krus
Pagsapit naman ng Huwebes Santo, nakikiisa rin ang pamahalaang bayan ng Calaca sa Istasyon ng Krus mula sa munisipyo hanggang sa bulubunduking bahagi ng Barangay Matipok.
Nasa libong debotong Katoliko ang dumadayo sa Calaca para makilahok sa paglalakad bilang bahagi ng kanilang panata at penitensiya.
Sinisimulan ang paglalakad ng alas-4:00 ng umaga at inaabot ng may dalawang oras bago makarating sa pinakahuling istasyon.
Malaking tulong ang mga tradisyong ito sa Calaca upang mahalina na dumayo sa bayan ang libu-libong turista.
Pagpunta sa Calaca
Kabilang ang Calaca sa coastal area ng Batangas kaya ang maraming dumarayo rito tuwing Mahal na Araw, kasunod ng pagpipinitensiya ang pagsilay sa maipagmamalaking beach resorts sa bayang na nasasakupan ng Balayan Bay.
Nasa kanlurang bahagi kabilang sa unang distrito ng Batangas ang Calaca na ngayon ay first class municipality. Kung manggagaling ang biyahero sa Tagaytay, madadaanan ang mga bayan ng Nasugbu, Balayan at Tuy patungo sa bayang kaakit-akit.
Deboteng Katoliko ang karamihan ng mga residente rito na parating nakikiisa sa mga tradisyon sa tuwing sasapit ang Mahal na Araw.
Related Posts:
- Ala Eh Festival, sisimulan bukas
- Calaca mayor, kakandidatong bise gobernador?
- Planong kumandidato sa Calaca, inihayag
- Batangas, aagapan ang baha, landslide
- ANG PAGGUNITA SA MGA KALULUWA
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/carrera-de-paso-tradisyon-sa-calaca-tuwing-mahal-na-araw/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment