Ni Reggee Bonoan
PARANG hindi kinse anyos lang kung kumilos at magsalita ang alaga ni Katotong Ogie Diaz na si Liza Soberano kaya nagulat ang lahat nang sabihin ng bagets ang edad niya sa launching ng Star Circle 2013.
Dalagang-dalagang na kasing kumilos ang bagets na ayon sa lahat ng reporters ay puwedeng maging beauty queen, na pangarap din pala ni Liza bukod sa pagiging high fashion model at maging cover girl sa Vogue magazine.
Sumali na si Liza sa beauty contest sa eskuwelahan nila at pinalad namang manalo bilang Ms Intrams, at pinaghahandaan na niya ang pagsali sa iba pang beauty contests.
Nalaman naming si Sam Milby pala ang super crush ni Liza. Umamin siyang kinikilig siya sa aktor at dream come true para sa kanya nang makita niya ito ng personal sa Christmas special last December.
“I’ve seen a lot (of actors) po, pero si Sam lang talaga ang crush ko, he’s handsome talaga, he has a really nice voice,” masayang sabi ng dalagita.
Napapanood ni Liza si Sam noong nasa Amerika pa siya, “Sa Christmas special po ng ABS-CBN, sobrang kinilig po po ako, muntik akong mahimatay, joke lang po. Na-frozen po ako ‘tapos piniktyuran ko po sila ni Tita ‘tapos nahiya po ako kaya hindi ako nagpa-picture, ha-ha-ha!”
Napansin na rin daw siya ni Sam Milby dahil nagandahan ito sa kanya nang makita siya sa Star Magic catalogue.
“Gusto ko pong marinig galing mismo kay Sam,” mabilis na sabi ng bagets. “Baka po kasi ginu-goodtime lang ako, nagbibiro lang ‘yun.”
Pero marami pang ipinagbabawal kay Liza ang mananger niya.
“Siyempre po bawal muna akong mag-boyfriend kasi bata pa ako, ‘tsaka mag-focus muna ako sa career para hindi magulo ang utak ko. At huwag daw akong masyadong magkakain kasi tataba po ako. Mag-diet daw po ako. Mag-jogging daw po ako,” kuwento ng batang aktres.
Bagamat baguhan pa lang ay napasama na si Liza sa afternoon seryeng Kung Ako’y Iiwan Mo nina Jake Cuenca at Shaina Magdayao at ngayon ay kasama rin sa Star Cinema launching movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Must Be Love (palabas na sa Marso 13).
At dahil siya ang ka-love triangle na makikigulo sa Kathniel, tinanong si Liza kung hindi ba siya natatakot na laitin ng fans nina Daniel at Kathryn?
“Hindi po kasi alam naman nilang hindi ko aagawin si Daniel, kay Kathryn po siya,” nakangiti sabi ng bagets.
Related Posts:
- Kathniel, walang bawal kahit MU
- ‘MU’ Kathniel, ‘mag-un’ na pala
- Jed Madela, nilait-lait sina Daniel Padilla at Kathryn…
- Ano ang nagustuhan nina Daniel at Kathryn sa isa’t…
- KathNiel, may launching movie na
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/12/di-ko-aagawin-si-daniel-kay-kathryn-siya-%e2%80%94-liza-sorerano/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment