Wednesday, March 20, 2013

Dino, pinakamabilis sa 2nd PhilSpada

Sta. Cruz, Laguna – Isang araw matapos talunin ang isang miyembro ng national Paralympic team, iniuwi ni Arman Dino ang kanyang ikalawang gintong medalya matapos tanghaling fastest man sa ginaganap dito na 2nd Philippine Sports Commission-Philippine Sports Association for the Differently Abled Para National Games.



Itinala ng 28-anyos mula Mandaue City at biktima ng ipinagbabawal na paputok na Super Lolo na si Dino ang mabilis na 11.81 segundo sa tampok na 100-m dash upang maging unang atleta na nakahakot ng dalawang ginto sa torneo na ginaganap sa Laguna Sports Complex.


Pumangalawa kay Dino si Lemuel Garcia (14.76) at ikatlo si Ricardo Domingo (15.10).


Bago nito, nakopo ni Dino ang kanyang unang gintong medalyang nakataya sa ikalawang edisyon ng torneo na suportado ng Crystal Clear Drinking Water matapos talunin sa 400-m run ang beterano ng 2012 London ParaLympics at Asian ParaGames na si Isidro Vildosola.


Ikinatuwa naman ni National Paralympic athletics coach Joel Deriada ang itinalang panalo ni Dino na agad na naging kandidato sa national pool bunga ng kanyang itinalang mabibilis na oras sa sprint event. Lalahok naman ngayong araw si Dino sa 200m event.


“As a procedure, we will compare his time sa record sa ASEAN ParaGames, ang katapat ng SEA Games. His time (11.81) is actually good for bronze so we will invite him sa national pool muna. Actually, we are looking at 2 to 3 more athletes na maisasama sa national team” sabi ni Deriada.


Nakabawi naman ang 2012 London Paralympics veteran na si Vildosola matapos iuwi ang gintong medalya sa event na 1,500m run para iuwi ang gintong medalya sa oras na 4:36:50 segundo. Pumangalawa si Sixto Ducay (4:50:44) at ikatlo si Raul Angoluan (5:02:29).


Samantala, sinimulan ng Quezon City Eagles ang pagtatanggol sa titulo ng 3-on-3 wheelchair basketball sa pagbigo sa Cagayan de Oro City,16-9 habang wagi din ang QC Mustangs kontra Rizal Tahanang Walang Hagdan, 49-28.


Sinimulan kahapon ang swimming habang isasagawa ngayon ang kampeoanto sa larong goalball, badminton, table tennis, chess pati na sa mga demonstration sports na volleyball, cycling at judo sa torneo na itinataguyod ni Laguna Governor Jeorge “ER” Ejercito. (Angie Oredo)


Incoming search terms:






View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/21/dino-pinakamabilis-sa-2nd-philspada/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment