Wednesday, March 20, 2013

Hostage-taker, pinagbabaril sa Pasay

Anim na tama ng bala sa katawan ang tumapos sa buhay ng hostage-taker habang sugatan naman ang dalawang biktima sa nangyaring hostage-drama sa Pasay City kahapon ng madaling araw.


Kinilala ni Pasay City Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca ang hostage-taker na si Manolo Marcaida Gonzalez, na nasa 35 hanggang 40-anyos, matapos barilin ng mga pulis nang makitang inuundayan ng saksak sa dibdib at braso ang hostage victim na si Joanne Almogis, 33.



Sa inisyal na report ng pulisya, dakong 5:00 ng madaling araw sitahin ng dalawang nagpapatrulyang pulis ang suspek na si Gonzalez nang mapansin ang dala nitong patalim sa kanto ng Buendia Avenue at F.B. Harrison Street ng nasabing lungsod.


Tumakbo ang suspek kung saan tinangka siyang pigilin ng isang pedicab driver na si Joselito Angeles na sinaksak nito hanggang sa makasalubong ang biktimang si Almogis at puwersahang kinaladkad at ginawang hostage.


Agad rumesponde ang mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at Special Operations Unit ng Pasay City Police kung saan tinangka pang makipag-negosasyon at kumbinsihing sumuko na lamang ng payapa si Gonzalez subalit bigla na lamang umanong pinagsasaksak si Almogis. Dito na sinimulang pagbabarilin ng mga pulis si Gonzalez.


Samantala nakaratay sa Pasay City General Hospital ang dalawang sugatang biktima. – Bella Gamotea





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/21/hostage-taker-pinagbabaril-sa-pasay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment