Ni Reggee Bonoan
HALOS dalawang oras naghintay ang entertainment media sa presscon ng It Takes A Man and A Woman noong Linggo sa Dolphy Theater. Very apologetic naman sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo dahil last shooting day pala nila ng sinundang gabi kaya napuyat sila, at masama pa ang boses ng aktor dahil sinisipon.
Kapansin-pansin agad si Lloydie sa mga unang tanong pa lang sa kanila ng reporters dahil masyadong seryoso at pormal, hindi katulad ng mga dating presscon niya na masayahin, makulit at kung minsan ay nagsusungit kapag hindi type ang mga tanong.
Nang tanungin kung kumusta nang katrabaho ngayon si Sarah ay seryoso siyang sumagot.
“Ita-try kong sagutin ‘yan na hindi ganu’n ka-emotional. Kasi, si Sarah has been perceived by many as, you know, Sarah Geronimo na popstar princess, na sikat na sikat, na nagkakamali, na nakaka-encounter ng kung anu-anong problema sa pag-ibig, sa trabaho.
“But in the end, si Sarah ay si Sarah, ilang taon ka na ba ngayon?” sabay tanong sa dalaga na nagsabing 25 years old na.
“Puwede na, puwede na!” napangiting sabi ng aktor. “Bibilib ka sa kanya (Sa¬rah), kasi pupunta ‘yan sa trabaho, gagawin niya ang kailangan niyang gawin, gagawin niya 100%. ‘Yung dedication niya, hindi nawawala. So, ‘yung mga pinagdaraanan niya ay pinagdaraanan ng mga normal na 25-year-old girl.
“Si Sarah kasi, masyado siyang totoo. She’s very candid. Kung ano ‘yung gusto niyang mabi¬tawang salita, maaaring hindi niya napag-iisipan kaagad.
“Sometimes, kailangan naman natin to give her a break. Babae rin siya, eh, nasasaktan. Kaya minsan, nadudulas ‘yung dila na may nasasabing hindi maganda. Eh, ganu’n talaga. Kailangan mong palagpasin, kasi lahat naman tayo, dumaraan diyan, di ba? Wala namang perfect na tao.
“Ang pinakamaganda roon is how you rise above it, di ba? Kaya niyang mag-apologize, kaya niyang tanggapin kung mali ‘yung nagawa niya and then move on. And then be a better person.
“‘Yun din ang nakita ko sa kanya in this movie. ‘Yung professionalism, mas umangat pa. ‘Yung dedication sa paggawa ng mas magandang pelikula, hindi nabawasan. Mas lumakas din. And wala akong masasabi na para bang nabawasan ang pagtingin ko sa kanya,” mahabang pagtatanggol ni Lloydie sa kanyang leading lady.
Natanong din si John Lloyd, na 29 years old na ngayon, kung kailan naman siya magse-settle down.
“Naku, konti pang stability, sa pamilya, sa finances, financial stability. I’m thinking ano, eh, I’m thinking early retirement,” sambit ng aktor na ikinagulat ng lahat.
“Gusto kong ma-enjoy ang buhay ko kasama ang magiging pamilya ko,” paliwanag niya. “I want to spend more years, quality. I’m after quality life with my family and my would be family.
“So siguro, ‘pag dumating ‘yon, on the side, pili tayo ng mga project. Kung meron tayong ganu’ng privilege, ‘yun sana ang magawa ko. Sa edad, hindi ko pa alam, eh. Hindi ko pa masabi.”
Walang masabing edad kung kailan magre-retiro si JLC.
“Hindi ko masabi, kasi age mo ang magdi-dictate no’n, eh. So, ‘pag dumating na siya at naramdaman mo na, then baka puwede na. Mahirap namang magbigay ng edad.”
Related Posts:
- Mas masaya ako ngayon — Angelica
- John Lloyd Cruz, nagpa-cute na agad kay Iza Calzado
- Warning ni John Prats kay John Lloyd sa pakikipagrelasyon…
- Balik-tambalang Lloydie-Sarah, naudlot
- John Lloyd, inarbor muna ang tungkol sa relasyon kay…
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/19/im-thinking-early-retirement-%e2%80%94-lloydie/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment