Ni Bella Gamotea
OFW, naisalba sa capital punishment Inihayag kahapon ni Vice President Jejomar Binay na ligtas na sa parusang bitay si overseas Filipino worker (OFW) Rodelio “Dondon” Lanuza na kabilang sa death row sa Saudi Arabia matapos mapatay sa saksak ang isang Arabo.
“Natutuwa akong ibalita na ligtas na po sa parusang bitay ang ating kababayan na si Rodelio ‘Dondon’ Lanuza,” pahayag ni Binay.
Ayon kay Binay, ito ay dahil sa kagandahang-loob ng hari ng Saudi Arabia na si King Abdullah na naglabas ng isang royal directive kung saan sasagutin ng Kingdom of Saudi Arabia ang balanse ng blood money na
hinihingi ng pamilya ng napatay ni Lanuza.
Sinagot ng Saudi government ang balanse na 2.3 million Saudi riyal o P24.9 million para sa kailangang blood money ni Lanuza.
Unang nakalikom ang kaanak ni Lanuza ng 700,000 Saudi riyal o P7.5 million para sa blood money.
Nilinaw pa ng Vice President na mali ang napaulat na sinasabing nawawala ang nasabing pera.
“Mali naman `yung sinasabing nawawala `yung pera. Kasi kukunin `yung approval ng Malacañang, `yung share ng gobyerno na P4 million something. Ang pinag-uusapan kasi natin dito P32 million. Ang sinagot ng Saudi Arabia ay P25 million,“ giit ni Binay.
Sa kasalukuyan hinihintay na lamang umano ang pag-dismis ng korte sa kaso ni Lanuza dahil sa mga compliance sa blood money.
“Basta ang sure nito hindi na siya mapuputulan ng ulo. Sure na sure na `yun,“ ani Binay.
Nagtungo sa Saudi si Lanuza noong 1996 at nagtrabaho bilang draftsman at 12 taon nang nakakulong matapos ang krimen. Hinatulan siya ng Damman Grand Court ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pugot noong 2002.
Upang mapatawad si Lanuza, nagtakda ang pamilya ng Arabo ng diyya (blood money) na US$800,000 (P35-million).
Related Posts:
- OFW, ligtas na sa bitay
- 4 buwan reprieve sa OFW
- Pinoy sa Saudi Arabia, ibibitay
- Binay, umapela ng blood money
- Dasal sa sentensiyadong OFW, hiniling
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/lanuza-nailigtas-sa-parusang-bitay/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment