Monday, March 25, 2013

Mga higante, rarampa sa Albay

LEGAZPI CITY – Paparada na naman ang mga Higante ng Albay sa Abril 1 sa paglalarawan ng sagupaan ng mga bida at halimaw sa gitna ng nagsasayawang dilag sa pagbubukas ng isang buwang selebrasyon ng Daragang Magayon Festival 2013.



Tiyak na kagigiliwan ng madla ang mga higanteng may taas na sampung talampakan na pinangungunahan ng mga karakter na si Oryol, ang maganda ngunit makamandag na anak ni Aswang na kalahating ahas at kalahating tao; si Rabot na Rabot na kalahating tao-kalahating hayop; si Bonggo na may mga matang may apoy; si Satyr Laki, ang bakunawang nagtatalaga ng panahon; ang mga baboy damong sina Kulakog at Tandayag; at ang paborito ng lahat na si Tambaluslos na mahilig mang-asar ng mga dalaga.


Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, naiiba ang mga higante ng Albay dahil batay ang mga ito sa mythological characters na dokumentado ng mga prayleng Kastila na sina Padre Jose Castanos, Padre Fedore at Padre Juan Alvarez Guerra noong ika-19 na siglo.


Bilang paliwanag tungkol sa mga higante, mahigit 5,000 maliit na aklat na may titulong “Mythos Kan Albay” (Mga Alamat ng Albay) na sinulat ni Abdon M. Balde Jr. ang ipamimigay sa mga bisita. Makakukuha nito sa Albay Provincial Tourism and Cultural Office.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/25/mga-higante-rarampa-sa-albay/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment