Pinag-iingat ni Pasay City Police chief Senior Supt. Rodolfo Llorca ang publiko sa mga kumakalat na pekeng P1,000 at P500 bill kasunod ng pagkakaaresto ng pitong miyembro ng umano’y counterfeiting syndicate na kumikilos sa Metro Manila, Ilocos at Southern Tagalog.
Ayon kay Llorca, isinasailalim sa masusing interogasyon ang mga suspek na sina Jovie Alvarez, Arnel Abordo, Ronalyn Melico, Adrian Sta. Romana, Melvin Rama, Allan Rivera at Zoraida Briones, sinasabing mga miyembro ng “Daang Hari“ counterfeiting syndicate matapos maaresto ang mga ito sa Taft Avenue Pasay City kahapon ng madaling araw.
Nakumpiska Nakumpiska sa mga suspek ang P80,000 na tig-P1,000 pekeng bill na ibinibenta ng grupo ng P300 bawat isa nang bentahan ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Sinabi ni Llorca tatlong buwan nilang minatyagan ang sindikato base sa nakuhang impormasyon kaugnay sa ilegal na pagpapakalat ng mga pekeng salapi.
Malaking posibilidad na ginagamit din umano ang nasabing mga pekeng bill sa pagbili ng boto simula nitong campaign period upang tulungan ang ilang pulitiko sa nalalapit na May 2013 elections.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Act of 2002 ang mga suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Lumitaw din na may nakabimbin na kasong pamamaril nitong Enero 2013 ang suspek na si Rivera. – Bella Gamotea
Related Posts:
- Namemeke ng P500 bill, arestado
- Grupong namemeke ng pera, tutukuyin
- Pekeng P1,000 kumakalat sa MM
- Pekeng pera, kumakalat sa Iloilo
- 3 huli sa pekeng pera
View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/06/namemeke-ng-peso-bill-arestado/
Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com
To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!
No comments:
Post a Comment