Friday, March 29, 2013

PAKO

Nais kong ibahagi sa iyo ang isang istoryang ipinasa sa akin ng isa kong amiga. Nawa ay makatulong ito sa iyo sa iyong pagtitika ngayong Kuwaresma.


Noong ay may isang negosyanteng Tsino na nagngangalang Mang Joaquin. Siya ay may malaking sari-sari store na kalimitang pinupuntahan ng kapwa niya negosyante upang mamili ng ititinda sa kanikanilang tindahan. Mabait si Mang Joaquin lalo na sa kanyang mga kasambahay at trabahador kung kaya iginagalang siya ng mga ito. Kilala rin si Mang Joaquin sa pagiging galante at hindi niya tinatanggihan ang sinumang lumapit sa kanya upang humingi ng tulong. Marami ang nagsasabi na kapag hiningan mo ng abuloy si Mang Joaquin, agad itong dumudukot sa kanyang kaha ng malaking halaga.


Isang araw, nang magbayad ang isang mamimili, nagbukas si Mang Joaquin ng kanyang kaha. Napansin ng mamimili ang isang pirasong pako na may habang tatlong pulgada na nakahalo sa mga barya. “Para saan ang pakong iyan?“ tanong ng usyoserang mamimili. Dinampot ni Mang Joaquin ang pako at ipinakita sa mamimili. “Nandito ang pakong ito sa aking kaha upang magsilbing paalala na nagbayad si Jesus upang ako ay maligtas kung kaya may utang ako sa Kanya.“


Ginamit ni Mang Joaquin ang isang pako upang magpaalala sa kanya ng pag-ibig sa kapwa na dahilan kung bakit inialay ni Jesus ang Kanyang buhay. Ang ordinaryong pako na iyon ang bumubuhay sa kanyang diwa sa inilaang sakripisyo ni Jesus.


Gaano kadalas nating naaalala ang sakripisyo sa Kalbaryo kung saan nagbayad si Jesus ng Kangyang buhay upang matubos tayo sa kasalanan? Ang halimbawa ni Mang Joaquin ay magsilbi nawang inspirasyon na sa kabila ng ating pagiging abala, maalala nawa natin hindi lamang ang koronang tinik, ang mga pako, ang sibat, kundi ang mapagmahal na puso ni Jesus na nag-alay ng buhay para sa atin.





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/29/pako/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment