Tuesday, March 19, 2013

Panloloko gamit ang Batang Pinoy at Philippine National Games, nabisto

Nabisto ang panloloko na ginagamit ang dalawang malaking proyekto ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na Batang Pinoy at Philippine National Games upang makahingi ng pondo sa mga local government units, pribadong kompanya at mga sumusuportang indibidwal.



Ito ang ibinunyag ng muling inihalal na pangulo ng Dance Sports Council of the Philippines (DSCP) na si Rebecca “Becky“ Garcia sa harap mismo ng dumalong 240 mga atleta at opisyal ng dance sport mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na torneo nitong nakaraang Sabado. Aniya, may mga indibidwal at grupo na ginagamit ang dalawang proyekto para sa kanilang modus operandi.


“I would like to take this opportunity to cleanse our ranks. Huwag po hayaan ang inyong mga anak na sumama sa hindi awtorisadong mga opisyal kuno ng ating asosasyhon na nanghihingi ng bayad para makasali ang inyong anak o atleta partikular na sa Batang Pinoy at POC-PSC National Games,“ sabi ni Garcia.


“There are some groups claiming to be authorized members but are not actually recognized and are trying to get into LGUs for Batang Pinoy and PNG financial assistance and are out to make money,“ sabi pa ni Garcia sa ginanap na 2013 DSCPI 1st Quarter Ranking & Competition Calata Cup sa Ninoy Aquino Stadium.


Ibinunyag ni Garcia ang nagaganap na panloloko matapos ipaalam ng isang local government unit ang paghingi ng tulong sa mga opisyal ng gobyerno para makahingi ng gagamiting pondo para makalahok sa isinasagawa kada taon na Batang Pinoy at POC-PSC National Games. – Angie Oredo





View the original article: http://www.balita.net.ph/2013/03/20/panloloko-gamit-ang-batang-pinoy-at-philippine-national-games-nabisto/



Start your #business for a low #startup price of $3 at http://www.uconnective.com

To Signup you must have a #UCO coin, you can #BUY it with only $3 from ClickAlert or Send e-mail at clickalert@ymail.com or Call/SMS to +1 (202) 599-1808 and start earning $51 per day!

No comments:

Post a Comment